Keisha POV
Panibagong araw, panibagong mangyayari na naman ang magaganap.
Maaga akong nagising at maaga ko ring ginising si Manyakol.
Narinig ko pa siyang napamura sa kwarto niya pero, nag hum lang ako para hindi ako ma bad mood.
Gumising talaga ako ng maaga at nambulabog ng maaga dahil gusto ko na kapag magluto ako, nandon si Manyakol nakatingin. Don't get me wrong mga beh, gusto ko lang ipakita sa kaniya kung paano magluto. Pero first, mga basic food lang ang lulutuin ko at ituturo ko sa kaniya.
Hinanda ko na ang mga lulutuin ko, at alam niyo lulutuin ko? Hotdog at itlog lang para basic HAHAHA.
"Good morning," bati ko sa kaniya ng makita siyang lumabas sa kwarto niya.
Pero agad ko rin nilihis ang paningin ko ng makitang tanging boxer shorts lang ang suot niya.
Jusmeyo espereto santo, gabayan mo ang puri ko.
"Mag damit ka nga!" suway ko sa kaniya na hindi siya tinignan.
"Inaantok pa ako," sagot nito at umupo sa upuan kasalungat sa gawi ko.
"Heh, gising, kailangan mo pa matuto kung paano magprito ng hotdog at itlog!"
"I know how to fried hotdog and eggs, bakit ko pa kailangan matuto?" tanong niya at tinignan ako. "Kung yan ang ulam natin ako na lang kainin mo, and what I've said, full package na ako. May hotdog at itlog kana, may free pandesal ka pa, saan ka pa?"
Nagsituyan ang mga balahibo ko sa katawan ko dahil sa mga pinagsasabi ng Manyakol na to.
"Yang bibig mo Manyakol, nasobrahan na ha. Sige, nararamdaman ko namang marunong ka sa pagprito, then mabuti yan. Basta sa susunod, susunod ka sakin."
"Opo my ugly nanny."
Kung hindi ko sana amo itong manyak na to, baka kanina ko pa nahampas ng sandok ito.
Kalma lang Keisha, laging tandaan, manyak at gago tong amo mo.
Nagpakawala lang ako ng masamang tingin sa kaniya bago ginawa ang trabaho kung pagprito.
"Mauna ka ng maligo Manyakol, para hindi masayang yung oras. Ayaw kong ma late duh," pagsasalita ko.
Baka kung walang maunang maliligo sa amin, baka mag-unahan pa kami mamaya. At haler, isa lang cr dito. Jusmeyo. Ang mahal ng bayad pero isa lang cr.
"Mamaya na, sabay na tayo."
Mahigpit akong napahawak sa sandok na hawak ko, dahil everytime mapupunta talaga eto sa pagmumukha niya.
"Manyakol!" galit ko ng sabi at hinarap siya. Nakita at narinig ko pa kung paano siya napahalakhak.
"Ang epic fail talaga ng mukha mo ugly yaya HAHAHA." Tawa nito at dali-daling kumaripas ng takbo.
Kung hindi lang talaga ako nagtrabaho sayo, baka matagal na akong lumayas dito.
Yung bibig talaga ni Manyakol, walang oras na pinagpilian!
Tinapos ko na ang pagprito ko at nakahanda na ang lahat sa lamesa. Iniwan ko muna ang kusina, total wala namang pusang kakain nito. At kinuha ang tuwalya sa kwarto ko para sa paghahanda sa pagligo. Paglabas ko, nakaupo na si Manyakol sa kusina.
"Mauna kanang kumain!" sigaw ko para rinig niya.
Napalingon naman siya sakin. "Wala ba sa bokabolaryo niyo ang sabay kumain?" nakataas kilay niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/182364939-288-k802833.jpg)