CHAPTER 1

1.9K 30 0
                                    

Kiesha POV

Nagising ako sa mahimbing kung pagtutulog dahil sa ingay na naririnig ko galing sa sala.

Istorbo!

Agad akong bumangon at binuksan ang pinto habang kinukusot ang mata ko. Hayss gusto ko pang matulog.

"Ano ba! Ang ingay mo, istorbo ka sa tulog ko! Ganda na sana ng panaginip ko ehh! Isang ingay mo pa patay ka sakin, istorbo ka istorbo!" walang preno kung sabi at padabog na sinara ang pinto.

Pero agad pumasok sa utak ko ng maalala ko ang sinabi ko kay ateng na hindj ako mag-iingay.

Paktay! Baka maging 5 thousand babayaran ko huhu.

Dali-dali kung binuksan ang pintoan.

"Hoyy joke lang yun hehe, wag mong sabihin ni ateng na nag iingay ako ah? Hihi, sige mag ingay kana, wag mo lang ako idamay." Nakakamot batok kung sabi sa lalaking nakatalikod sa akin.

Agad akong napatulala ng humarap siya sa gawi ko.

May isang angel hulog ng langit.

Siguro tulo na laway ko ngayon. Eh kese enebe gwepe nye kese eh.

Ayy ang harot mo Kiesha.

Nakita ko na ngumisi siya sakin na mas lalong tumulo ang laway ko. Charot lang, ano ako aso? Ulol.

Eh kese nemen eh. Char.

Kumakaringking kana kiesha. Okay inhale, exhale wag kang magpapadala sa kagwapohan niya.

"Ikaw ba yung ka doormate ko?" tanong nito sakin na ikatango ko agad.

"Diba halata?.,"pagmamaldita ko kono. Charot.

"Ang sungit, bakit meron ka ba ngayon?" nakangisi niyang sabi.

Yung ngisi niya parang alagad ko satanas. Huhuy sana hindi mali ang room ko jusko.

"Kung itapon kaya kita sa mars? Kagigil ka, sarap mong hampasin!" nanggigigil kung sabi sa kaniya at pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Na stress ako mga besh.

"Nanggigigil ka?"

"Oo 101% tapon na kita sa mars kahit ngayon na," sagot ko pagkatapos Kong uminom.

"Tara sa Kama."

Agad nanglaki ang mga mata ko sa narinig
Ko, na parang lumabas ang mga nerves cells ko. "Nangigigil rin kasi ako eh, pareho tayo kaya tara na sa Kama babe," sabay kindat nito sakin.

Jesusmaryusep poresema!

"Taena ka!" Akmang ibabato kona ang hawak kung baso para patamaan ang mukha niya ng mabilis siyang magsalita.

"Joke lang, toh naman. Ayaw mo non? Isang gwapo magyaya sayo," kindat na naman nito.

Nonggogogol oko! Porong gosto kong pomotoy ng monyok.

"Kung kunin ko kaya yung mata mo para di kana makakita at pakindat-kindat sakin?"

"Sayang yung ka gwapohan ko kung wala akong makita," nakangisi na naman niyang sabi.

"Mukha kang demonyo kapag ngumisi, itulog mo lang yan oyy at di ka gwapo."

Gwapo ka talaga.

"Ako? Hindi gwapo? Malabo ba mata mo Miss? Maraming nagkarandapa sa ka gwapohan ko."

"Share mo lang? Bahala ka nga dyan istorbo," sabay flip hair at naglalakad patungo sa kwarto ko.

Ang Roommate Kong ManyakWhere stories live. Discover now