SKIPPERI woke up in an unfamiliar room. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Ilang sandali na nakahiga lang ako, sapo ang ulo, at nakatitig sa kisame ng kwartong kinagisnan ko.
I miss my wife. Hindi ako sanay na gumigising na hindi s'ya katabi. Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nakabuntot sa kanya saan man s'ya magpunta. Malakas kasi ang pakiramdam ko na buntis na si Tricia.
Bigla ay napabangon ako sa naisip. My wife could be pregnant right now and I shouldn't give her something to worry about. Hindi dapat ako umalis dahil baka kung ano na ang tumakbo sa isip n'ya. Masyado pa naman s'yang nagiging unreasonable, kaliit-liitang bagay ay Ikinagagalit na. Baka isipin pa n'ya na galit ako sa kanya o kaya ay hindi ko na s'ya mahal.
Nakaupo ako sa gilid ng kama nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Nueve na may dalang mga damit.
"Tamang-tama lang ang gising mo. Nakahanda na ang almusal." She walked inside the room with her small baby bump. "May towels at robe naman sa banyo, Kuya. Maligo ka na muna bago bumaba." Matapos iabot sa akin ni Nueve ang mga damit ay iniwan n'ya na din ako.
Now I remembered. I was with Trey and Colt last night. Masyado akong nabigla sa mga nalaman ko na ginawa ni Tricia. I needed to be away from her bago pa ako makapagbitiw ng mga salitang makakasakit sa kanya. Kailangan ko na munang lumayo bago pa ako makapagbitiw ng mga salitang pagsisisihan ko sa bandang huli.
Tricia has been unreasonable. I had a past with Dax but it's not enough for Tricia to ruin her life.
Alam ko kung paano pinaghirapan ni Dax ang lahat ng mayroon sa ngayon. I know how much she endured and sacrificed to be on where she is right now. Tricia was born in a rich family. Everything was prepared for her in a silver plater. Hindi n'ya alam kung ano ang hirap na magsisimula ka sa wala, kaya ano ang karapatan n'ya na kunin iyon sa isang tao na nagpakahirap para umangat?
I don't want to believe, but I heard it straight from her mouth. Tricia was proud of what she did. I never saw my wife as someone kindhearted, but I never thought that she'll use her influence and money to destroy someone's life. Hindi si Tricia ang tipo ng tao na magbibigay ng tulong sa nangangailangan, o mag-iisip ng paraan para makatulong sa mahihirap, pero hindi din s'ya ang tipo ng tao na maninira ng buhay ng iba. Lalo pa at mas mababa sa kanya. Kaya bakit n'ya nagasa iyon kay Dax? Saan nanggagaling ang galit n'ya?
Tumayo na ako at pumasok na ng banyo. I have to talk to my wife. I need to see her and know her reasons. And I have to secure her that I won't judge her. For all I know, maybe that's the pregnancy hormones they're talking about.
Naabutan ko sila Trey at Colt sa hapag na kumakain na. Umupo ako sa tabi ni Colt at dinampot ang tasa ng kape na sa tingin ko ay para sa akin naman talaga. It's been a while since I last tasted coffee. Palagi ay tsaa ang naiinom ko dahil iyon ang hilig ni Tricia. She hates the smell of coffee.
"Where's Marron?" Tanong ko kay Trey na abala na ngayon sa pagkain ng sinangag at tocino.
"Matutulog pa daw s'ya. She's always sleepy. That's normal for her situation right now." Sagot ni Trey sa tanong ko gamit ang passive facial expression n'ya. Halata na ayaw ang pinag-uusapan namin.
Naisip ko muli ang asawa ko. She's always moody and sleepy. Malakas na talaga ang kutob ko na buntis s'ya. Hinihintay ko na lang na magsabi s'ya sa akin.
"Pahiram na lang ng motor, 'tol. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan ko sa bar." Paalam ko kay Trey na tinanguan lang naman n'ya.
Tinignan ko si Colt na tahimik lang naman at parang tanga na pangiti-ngiti habang nagbabasa sa cellphone n'ya. I was curious so I took a peek. Nakita ko na ka-text n'ya lang naman si Dara na mukhang nagagalit dahil inihatid pa kami ng boyfriend n'ya dito sa bahay ni Trey kaninang madaling araw.
Gusto ko na 'tong si Colt para sa kaibigan ko. Pero kaibigan ko din naman si Darco at gusto ko din s'yang sumaya na mangyayari lang kung magkakabalikan sila ni Dara. It's all up to Dara, but both guys are good for her.
"Tsismoso." Mahinang kumento ni Trey na nakita pala ang panonood ko kay Colt.
I smirked at my best friend.
Matapos kong kumain ay nagpaalam na din ako na uuwi na. Bahagyang umayos na din naman ang pakiramdam ko matapos ko makaligo, makakain at makapagkape. Si Colt ay nagsabi na susunduin naman daw s'ya ni Dara dahil naiwan din ang motor n'ya sa bar. Kotse ni Trey ang ginamit n'ya para ihatid kami dito.
Bago ako umuwi ay dumaan na muna ako sa isang convenience store malapit sa mansyon mi Tito Tee. Kilala ko si Tricia, at alam ko na doon s'ya uuwi kung wala ako. Bibili ako ng chocolate dahil nahilig si Tricia kumain ng commercial chocolates. Medyo nananaba na din nga s'ya pero hindi ko 'yon sasabihin sa kanya dahil ikakagalit n'ya 'yon.
I was checking the shelves when I bumped with Theo. Nagkagulatan kami. Bumaba ang tingin ko sa mga sanitary napkins na dala n'ya.
Theo blushed. "These are for Ate. Inutusan n'ya ko!" He defensively said the marched on the counter.
Ate? For Tricia?
Theo never called Tiana 'Ate'. At nasa Pangasinan pa si Tiana.
Para 'yon kay Tricia? Nagkamali ako ng iniisip?
I felt something within me died. Is It my hope?
Napabitiw ako sa basket na dala ko at lumabas na ng convenience store.
I bought a pack of cig on a street vendor. I need to puff my frustrations.
While on my third stick I called someone to ask for Dax's whereabouts.
I found myself driving to where I know I shouldn't be. A little rebellion on my wife?
"Thank you, Kipp." Dax said then she took a sip on her hot choco. Her eyes were still puffy for all the cryings.
Mas pinili ko na hindi na kumibo. Hindi ko alam kung alam n'ya ba na si Tricia ang may gawa ng lahat sa kanya.
I paid for her freedom. I'm doing this for my wife. Babawiin ko ang mga pagkakamali ng asawa ko. Kakausapin ko din si Tricia mamaya para tigilan na n'ya. Hindi ko alam kung ano'ng assurance pa ang kailangan ni Tricia para mapanatag na sa kanya lang naman ako. Ni hindi na nga ang tingin ko kay Dax. Simpleng dating kakilala ko na lang s'ya sa ngayon.
After our lunch, I offered Dax a ride home.
"Mukhang wala na din naman akong mukhang maihaharap pa sa mga tao. I'll take that na a." Dax sobbed.
Medyo kumikirot ang ulo ko. Mukhang naparami talaga ako ng inom kagabi. May kalayuan pa naman ang bahay ni Dax.
Nang makababa si Dax ay agad na din akong nagpaalam sa kanya. Medyo nahihilo ako kaya gusto ko na lang makauwi at matulog.
Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay mapadaing ako sa sakit ng ulo ko. Tangina, hindi naman ako pwedeng makitulog kila Dax. Baka kung ano ang magawa ng asawa ko.
Kumurap-kurap na lang ako at binilisan na lang ang takbo ko para makauwi na din agad.
____________________
31 March 2019
YOU ARE READING
Skipper
General FictionNot every story is a love story. Not all love stories got their happy endings. Most stories were made to teach us a lesson or two, and this story is one of them. - Skipper Clint Vergara