TRICIA
"Good morning, Ma'am!" masiglang bati sa akin ni Ampot nang mamataan n'ya ako sa may dalampasigan.
Ngumiti lang ako sa kanya at bahagyang tumango. Nagpatuloy ako sa paglapit sa dagat at sa pagtanaw sa lawak at ganda nito. Bahagyang madilim pa dahil hindi pa sumisikat ang araw. Ang balak ko talaga ay ang panoorin ang pagsikat ng araw.
I hugged myself when the wind blew. I secured the blanket around me then tucked few strands of hair at the back of my ear. I stepped out of my slippers to feel the sand on my feet.
I let myself be mesmerized by the beauty of the sea. I missed looking at this in the morning. Back at Massachusetts, in every waking moment of my life I can hear the crashing of the waves on the shore. In the night before I sleep, the sound of the ocean is my lullaby.
It didn't take long for the sun to show its majestic beauty behind the clouds.
A new beginning. Another day as Skipper's wife.
I lifted my left hand and looked at the rings on my finger. One emerald-cut red diamond engagement ring, and our platinum eternity ring. These rings proves how blessed I am.
I am beyond thankful with the life that I have. I grew up in a luxurious household, living a life of a princess because of my father's wealth, and now my husband is giving me a life of a queen.
When the sun reached its peak, I decided to take a walk on the shore. I missed the feel of the sand on my bare feet.
"Magandang umaga, Ma'am," bati sa akin ng isang may-edad nang babae. "Ako ho si Loleng, asawa ho ako ni Dong, 'yong katiwala ho dito ni sir Skipper."
Ngumiti naman ako sa kanya. Natatandaan ko na pinakilala nga s'ya ni Skipper sa akin. "Magandang umaga po," magalang na bati ko.
"Baka ho gusto n'yong sumabay sa amin na mag-agahan," anyaya n'ya sa akin at iminuwestra ang banda ng isang kubo.
Sa labas ng kubo ay nakita ko ang isang kawayang mesa at may mga tao na doon. Napansin ko na kumaway pa sa akin si Ampot. May mga bata pa doon na kumakaway na din sa akin.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Aling Loleng at saka ako ngumiti. "Hindi na po. Hihintayin ko na lang po si Skipper na magising."
"Baka ho matagalan pa 'yon. Si Dong ko nga ho ay nakanganga pa," nakahagikgik na sabi ni Aling Loleng.
Ang cute ng accent nila dito.
"Okay lang po. Nakapag-tsaa naman na po ako. Salamat po," magalang na sabi ko.
Sinubukan pa akong pilitin ni Aling Loleng pero sa huli ay nilubayan na din n'ya ako.
"Ganyan ho yata talaga kapag bagong kasal. Hindi pa ho mapaghiwalay," tukso ni Aling Loleng bago s'ya bumalik sa hapag nila.
Natawa na lang ako. Kung alam n'yo lang ho.
Nang bahagyang naging mainit na ang sikat ng araw at napagpasyahan ko nang bumalik sa villa.
Sa kitchen ako dumeretso para uminom ng malamig na tubig. Nakakapagod ang pag-akyat dito sa taas, pero magandang exercise na din 'yon para sa umaga.
Nang balikan ko si Skipper sa silid namin ay naabutan ko s'ya na tulog na tulog pa. Lasing na lasing s'ya kagabi at wala nang ulirat nang iuwi dito ng mga tao n'ya.
Bandang alas siete kagabi ay nagpaalam si Skipper na baba saglit para magbilin sa mga tao n'ya ng gagawing preparasyon para sana ngayong umaga. Nakatanggap na lang ako ng text mula sa kanya na nayaya daw s'ya ni Mang Dong na uminom nang onti. Pinayagan ko naman s'ya dahil kilala ko si Skipper na kaibigan ang tingin sa lahat ng tao n'ya. Normal sa kanya ang pakikisama at pakikisalamuha sa lahat.
YOU ARE READING
Skipper
General FictionNot every story is a love story. Not all love stories got their happy endings. Most stories were made to teach us a lesson or two, and this story is one of them. - Skipper Clint Vergara