TRICIA
"Aren't you threatened, Ate?" Tiana asked while eyeing me intently.
I smiled at my sister then shook my head. "He loves me. Skipper is mine," I said with confidence.
"Tiana, hindi naman siguro magpapakahirap nang gan'on si Kuya Skipper kung hindi n'ya mahal si Ate. Remember how Kuya Kipp became Dad's slave for three months just to get his approval? Saka hindi joke 'yong mga tests na ginawa ni Daddy sa kanya 'no. And he passed everything. Ni hindi na nga yata 'yon marunong mag-appreciate ng ibang babae," Theo said with the same confidence as mine.
I laughed a little. Malakas talaga ang bilib ni Theophilus sa Kuya Skipper n'ya. Sabagay, talaga namang tila dumaan si Skipper sa butas ng karayom nang magsabi s'ya kay Dad na gusto n'ya akong ligawan.
Literal na naging alipin ni Daddy si Skipper for more than a month. And Dad didn't show mercy. Pinag-iigib n'ya si Skipper, pinagsibak ng kahoy, pinag-linis ng buong bakuran namin at kung anu-ano pa na ginagawa raw talaga ng mga manliligaw. At hindi 'yon mga simpleng gawain.
Pinag-igib n'ya si Skipper mula sa bukal malapit sa mansyon namin sa tuktok ng bundok. At 'yong malapit na 'yon ay isa't kalahating kilometro ang layo sa swimming pool na iniutos n'yang punuin ni Skipper. Na dalawang balde lamang ang gamit. Our swimming pool in our backyard was a size of an Olympic pool. It took Skipper days to accomplish that. The pool was fifty meters long, twenty five meters wide and Dad wants it to be at least two meters deep. Can you imagine the horror of it?
After filling our pool with fresh water, inutos naman ni Daddy na maglinis si Skipper ng bakuran namin the next day. And I never felt unfortunate to have hectares of backyard until then. Nasa tuktok ng bundok ang mansyon ni Daddy, at ang buong kabundukan ay bakuran namin.
According to the great Terrence Luer Amante, naawa pa s'ya kay Skipper kaya within one kilometer radius from our mansion lang ang ni-required n'ya na linisin ni Skipper. Pinatabas n'ya ang mga damo, pina-ayos ang mga dahon at sanga ng mga puno, at pinag-tanim ng mga bagong puno. After two weeks, natuwa naman si Daddy sa gawa ni Skipper. Sabi n'ya pwede raw pala na maging landscape artist si Skipper.
Hindi pa nakuntento si Daddy d'on. Pinagsibak n'ya din si Skipper ng mga kahoy at inutos n'ya na gumawa ng log cabin gamit ang mga kahoy na sinibak n'ya. Dad wants a log cabin as big as a standard villa. I witnessed how Skipper suffered under my Dad. Nagkasugat-sugat na ang mga kamay n'ya, at namayat na talaga s'ya. Halos hindi s'ya nagpapahinga matapos lang ang mga utos ni Daddy.
Matapos ang mga trabaho n'ya sa mansyon, ginawa naman s'yang driver ni Daddy. Mabuti sana kung personal driver, ang kaso ay ginawa s'yang company driver. Isang buwan s'yang nagtrabaho sa AVP Legacy at dalawang shifts pa ang kailangan n'yang gampanan. Service driver sa umaga at janitor naman sa gabi. At tuwing Sunday, kapag day off ni Skipper sa AVP Legacy, pinaglilinis naman s'ya ni Daddy ng mga sasakyan. And Daddy owns fifty seven cars. At lahat 'yon ay pinapalinis n'ya kahit wala naman kailangang linisin.
And while being Dad's slave, Skipper was not allowed to see me, or talk to me. Hanggang tanaw lang kami sa isa't isa. At sa tuwing makikita ko ang pagod na itsura n'ya parang dinudurog ang puso ko.
Hindi ko na nga maalala kung ilang beses akong nagmakaawa kay Daddy na tumigil na. And Dad would always say that Skipper is free to stop anytime. 'Wag lang s'yang aasa na ibibigay ni Dad ang approval na hinihingi n'ya.
When Dad stopped enslaving Skipper, akala namin ay okay na. I'm free to see Skipper. We're free to go out. But Dad started putting Skipper into tests. Nand'yang nagbabayad s'ya ng mga babae para akitin si Skipper. And I am thankful that Skipper remained faithful.

YOU ARE READING
Skipper
Narrativa generaleNot every story is a love story. Not all love stories got their happy endings. Most stories were made to teach us a lesson or two, and this story is one of them. - Skipper Clint Vergara