*NEW CLASSMATE*
SHERLY'S POV
"What?!" Sigaw ng best friend ko nang matapos ko ikwento sakanya ang nangyari kagabi.
"Pst!! Bes" Saway ko naman dito dahil nagtinginan na lahat ng classmate namin saaming dalawa,
"Ay sorry bes, bakit kaba kasi sumama sa mga pinsan mong impakta ayan tuloy" Panenermon nya naman sakin sabagay bakit ba naman kasi ako sumama sakanila hays ayan tuloy
"Ewan ko bes" Tanging sagot ko lang sakanya at napa irap naman ito.
"So ano na kamusta ang first kiss?" Natatawang tanong nya naman saakin
"Tumigil kanga, ewan ko sayo!" Sagot ko naman at inirapan nalang ito dahil pakiramdam ko rin ay namula ang pisngi ko dahil sa naalala ko ulit ang nangyari kagabi.
"Ay sher namumula ka oh!" Panunudyo naman ni jen saakin
"Ewan ko sayo" Saad ko at hindi nalang muna sya pinansin
Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin at nag simula na mag discuss. Wala akong gana makinig ngayon dahil masakit parin ang ulo ko marami-rami rin kasi akong nainom kagabi.
"Bes, bakit kanina kapa nakatulala jan? Iniisip mo parin ba yung first kiss mo no?" Pambibiro pa sakin ng baliw na best friend ko nato
"Tumigil kanga baka marinig ka ni ma'am" Saad ko sabay siko sakanya. Minsan nakakainis talaga tong kaibigan kong ito pero kahit ganun hindi ko kayang mag-away kami sya lang ang kaibigan kong palagi kong nakakaramay sa mga problema at kahit kailan hindi nya ako trinaydor kaya mahal na mahal ko sya e at parang kapatid narin ang turing ko sakanya.
"Bes sya nga pala sa wednesday na ipapasa yung pinapagawa ni ma'am nakagawa kana ba?" Tanong ni jen
"Ahm hindi pa nga eh bukas ng gabi ko nalang gagawin magrereview kasi ako ngayong gabi mag eexam daw bukas eh" Sagot ko naman sakanya
"Okay tara kain na tayo lunch break na" Aya naman nito sakin at agad ko nang kinuha ang shoulder bag ko upang makapunta na kami ng canteen.
Nasa canteen na kami ngayon ng biglang magsisigawan ang mga estudyante.
"Anong nangyayari don?" Tanong ko naman sa kaibigan ko. For sure alam nya kung anong nangyayari don tsismosa kasi tong kaibigan ko nato
"Dumating na ata yung mag ta-transfer dito na isang model" Sagot nya naman sabay subo ng pagkain na nasa harap namin,
"Ah may bagong transfer pala ngayon?" Tanong ko naman dito at tumango lang ito kaya sumubo narin ako ng spaghetti na nasa harap ko.
Kakatapos lang namin kumain at pabalik na kami sa classroom ngayon pagdating namin don ay tamang-tama na dumating din ang teacher namin.
"Okay class bukas nga pala may bago kayong magiging classmate" saad naman ng teacher namin at tila ba parang alam na ng mga babaeng kaklase ko kung sino ito dahil pagkasabi na pagkasabi ni ma'am ay agad silang kinilig.
"Mukhang magiging classmate natin yung model bes, can't wait!" Saad naman nito na tila ba kinikilig rin kaya inirapan ko nalang ito dahil wala naman akong pakialam kung maging kaklase man namin yun.
BINABASA MO ANG
Special punishment (Completed)
Teen FictionWhat if someone chase you and give you a punishment because of a mistake that you did? What if your simple life will suddenly change because of a little mistake? "It all started with one punishment, a very special punishment."