CHAPTER 5

180 25 0
                                    

*OFFICIAL*

SHERLY'S POV

"Nak gising na" pang-gigising pa sakin ni mama

"Ma inaantok pako wala naman kaming pasok ngayon" Sagot ko naman dito at nagtago pa sa kumot

"Gising na nga may naghahanap sayo sa baba" sabi naman nito,

"Huh? Sino ba yun ano raw kailangan?" Inis na tanong ko naman dahil inaantok pa talaga ako

"Hindi ko kilala basta hinahanap ka lang nya kaya bumangon kana jan" sagot naman ni mama

"Oo na susunod nako" Sagot ko naman at hinanap ang suklay upang makapagsuklay muna sino ba naman kasi ang pupunta dito ng subrang aga alas sais pa ata eh kakaantok pa,

"Nak, bilisan mo!" sigaw naman si mama kaya nag madali nakong bumama

"Oo ito n-aaa a-nong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko naman ng makita kung sino ang katabi ni mama

"I just want to see you" Sagot naman nito sabay ngiti. Shit bakit ang pogi nya lalo na kapag ngumingiti pero NO! hindi ko sya gusto.

"Bakit naman?" takang tanong ko naman dito

"Diba girlfriend kita kaya gusto kitang makita" Sagot naman nito at halatang gulat na gulat si mama kaya ewan ko nalang

"Boyfriend ka nya?" tanong naman ni mama kay Christopher na halatang gulat parin alangan ba naman first time may bumisita dito na lalaki at nagpakilala pa bilang boyfriend ko

"Yes po tita" Simpleng sagot naman nito at napakamot nalang ako ng ulo ko

"Ma hindi po! mali mo ang akala mo nagsisinungaling lang yan lalaking yan" Saad ko naman kay mama

"Mali?! dedeny kapa at saka ok lang naman. Akala ko kasi magmamadre ka anak, akalain mo sa tagal ng panahon ngayon lang may nagpunta dito at nagpakilalang boyfriend mo" Sagot naman ni mama. Akala ko pa naman magagalit si mama pero nagkamali ako dahil sa halip ay natuwa pa ito ng nalamang may boyfriend daw ako

"Basta kayo siguraduhin nyong di nyo mapapabayaan ang pag-aaral nyo ha, okay lang naman mag boyfriend basta hinay-hinay lang" dagdag pa ni mama

"Of course tita, uhm btw pwede kopo ba ayain na lumabas si sherly?" Christopher*

"Ayos lang sakin si sherly nalang tanungin mo" sagot naman ni mama,

"H-huh pe-ero hindi pa ako nakakaligo" Sagot ko naman

"It's okay, pwede naman kitang hintayin" Saad naman nito sabay ngiti

"Sigurado ka?! mabagal ako maligo baka mainip ka kakahintay" Sagot ko naman sakanya

"Yeah! I'm sure" Saad nya naman at ano pa nga bang magagawa ko pumunta nako ng banyo para maligo dahil mukhang wala nakong maidadahilan.

Maya-maya lang ay natapos nako maligo kaya nagpalit naako nag black shirt lang ako at saka rip jeans pagkatapos ay bumaba na ako,

"Tapos nako, san ba tayo pupunta?" tanong ko naman ng makababa na,

"Malalaman mo rin mamaya, tita alis napo kami" Saad naman nito sabay beso kay mama at nagpaalam na

Sumunod nalang ako sakanya ng makalabas na kami. Maya-maya lang ay huminto kami sa isang itim na magarang sasakyan at binuksan nya ito

"Sayo to?" tanong ko naman pagkatapos nyang buksan ang pinto ng sasakyan

"Yup, sakay na" tanging sagot nya naman pagkatapos ay sunakay narin ako at sumunod naman sya. First time ko makasakay sa ganito ka garang sasakyan

"Wait lang bakit mo sinabi kay mama na boyfriend kita?" Tanong ko naman dito

"Because I am your boyfriend" Christopher*

"What?! Bakit pumayag naba ako?" Me*

"Wala ka nang magagawa pumayag kaman o hindi basta girlfriend na kita wala karin namang choice" Christopher*

"Hayss balakajan" tanging nasagot ko nalang,

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko naman sakanya

"Basta, matulog ka nalang muna dahil matatagalan pa tayo" Saad naman nito kaya natulog nalang rin muna ako inaantok parin kasi ako

After 1000 years chourrr nagising narin ako at wala na si Christopher sa loob ng sasakyan. Bumaba ako para hanapin sya at saka ko napagtanto na nasa isang beach resort pala ako ngayon na walang katao-tao

"Christopher" tawag ko naman sa pangalan nya san na kaya sya nagpunta haysss.
Naglakad-lakad ako upang hanapin sya hanggang sa makarating ako sa isang malaking mansyon may ganito pala sa isang beach resort maya-maya lang ay nakita kong papalapit saakin si Christopher galing sa mansyon,

"Gising kana pala tara" saad naman nito sabay hawak sa kamay ko. Papasok na kami ngayon sa mansyon

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon