CHAPTER 13

100 15 0
                                    

*CEBU VACATION*

SHERLY'S POV

"Woah!" Biglang pagkamangha ko ng makarating kami sa Cebu magbabakasyon kasi kami rito ng limang araw.

"Woah!! Ang ganda talaga ng cebu christof, btw salamat nga pala at pinayagan nyo ko makasama sainyo" pasasalamat ni kath kay Christopher nakalimutan ko kasama pala namin si Kath ngayon nakakaawkward tuloy.

"It's nothing kath, bilisan nalang natin para makapagpahinga na tayo sigurado akong napagod kayo sa biyahe" Sagot naman ni Christopher kay kath sabay hawak sa kamay ko at naglakad na kami.

Pakiramdam ko ang saya-saya ko dahil kahit nandito si kath ay pinaparamdam naman sakin ni Christopher na para bang ako lang ang babaeng kasama nya.

Nakarating na kami ngayon sa isang vacation house dito sa Cebu.

"Wow, Wala parin palang nagbabago sa vacation house niyo dito sa Cebu christof?! Ganun na ganun padin talaga sya" saad ni kath kay Christopher so nakapunta na pala sya dito? Nakaramdam ako ng selos sa narinig ko pero diko nalang yun pinansin.

"Christopher" pang-aagaw ko naman sa atensyon ni Christopher at lumingon rin naman ito sakin bilang sagot.

"A-ahm saan banda ang comfort room nyo dito?" Tanong ko naman kay Christopher at tinuro nya rin kaagad saakin kung saan banda ang banyo kaya agad ko naman iyong tinungo.

Bakit ganun? Nakakaramdam ako ng selos at galit sa tuwing magka-usap si kath at Christopher feeling ko ang sikip-sikip sa dibdib, nahulog na ata talaga ako ng subra kay Christopher.

Nag-ayos muna ako sandali sa loob ng banyo at lumabas na. Tamang-tama rin  sa pag labas ko ay ang mas lalong pagka durog ng puso ko dahil sa nakita kong magkayakapan si Christopher at Kathryn.

Napansin ata ni Christopher ang paglabas ko kaya bigla na syang kumalas sa pagkakayakap kay kath at lumapit saakin.

"A-ahm sher tapos kana pala nagugutom kaba? may gusto kaba kainin o inumin?" Tanong ni Christopher saakin ngunit umiling nalang ako bilang sagot sa tanong nya.

"Gusto ko na magpahinga napagod ata ako" Saad ko naman kay Christopher.

"Okay" sagot nito at iginiya ako sa isang silid.

"Dito ka na muna magpahinga and call me if there's any problem" tumango lang ako bilang sagot kay Christopher, pakiramdam ko kasi ay durog na durog na ako at ayaw ko muna syang makausap dahil parang mas lalong madadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Nang makaalis na si Christopher at naiwan akong mag-isa sa silid ay inabala ko nalang ang sarili ko sa cellphone ko at nag Facebook nalang sabay scroll-scroll dahil wala naman akong ibang magawa inistalk kona rin si Christopher dahil nakita ko na nag sent Ito ng friend request saakin, 5 days ago na pala itong friend request nya pero hindi ko man lang nakita dahil sa ngayon lang naman ako nakapag online ulit. Hindi kasi ako sanay na mag online atsaka wala naman akong kachat or something na dahilan para madalas na mag online sa facebook.

Maya-maya lang ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaka Facebook.

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon