CHAPTER 18

96 17 0
                                    

SHERLY'S POV

Kakatapos ko lang mag impaki ng makarinig ako ng ingay. No ungol!! Ungol ang narinig ko and I'm sure with it. Hinanap ko kung saan iyon nang galing at sa kwarto yun ni Christopher, nasaktan ako dahil sa mga pumasok sa isip ko nang dahil sa mga narinig ko. Sinubukan kong buksan ang pinto dahil nais kong makita kung ano iyon, may nararamdaman na ako pero nais ko parin masiguro iyon at nagtagumpay nga ako dahil nakabukas ito at hindi naka lock, biglang tumulo ang mga luha ko sa nakita ko. It was Kathryn and Christopher kissing passionately nakaramdam ako ng parang binagsakan ako ng langit at lupa, hindi ko yun kayang makita kaya pumasok nalang ako sa silid ng kwarto ko at doon humikbi ng humikbi.

Ansakit bakit ganito? Alam kong darating din ang araw na ito ngunit bakit bako nagkakaganito?! Iiwan kona nga sya bukas diba pababayaan kona silang maging masaya ni Kathryn pero bakit ganito? Bakit parang hindi ko kaya na mawala si Christopher saakin? Bakit nasasaktan ako ng ganito?

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kanina kakaiyak nagising ako ng may mga kamay na humaplos sa pisngi ko and it was him. Ang lalaking rason kung bakit nasasaktan ako ng lubos, ang lalaking nagpa-iyak saakin, ang lalaking dumurog at nag-wasak ng puso ko.

"Did you cry baby?" Tanong nito sakin pagkamulat ko ng mata ko at pilit na nginitian ko naman ito. I have to act that I am okay dapat ipakita ko sakanya na hindi ako apektado kung magkabalikan man sila ni Kathryn. I need to be strong dahil wala rin naman akong magagawa kahit na ipakita ko sakanyang nasasaktan ako. I think I really love him, pakiramdam ko nahulog na talaga ako sakanya, pakiramdam ko Mahal na mahal kona talaga sya. but sadly, he doesn't feel the same dahil si Kathryn ang mahal nya at hindi ako.

"Yah! naiyak kasi ako sa nabasa kong story kanina eh" Sagot ko naman habang nakangiti.

"Okay, btw malapit na pala ang flight natin get ready na baby mag-aayos narin ako" anito sabay halik sa noo ko at umalis na para maghanda.

Bakit ganun sya? Pinaparamdam niya saakin na importante ako pero si Kathryn naman pala talaga ang mahal niya, Si Kathryn naman pala ang gusto nyang makasama at hindi ako. Alam ko naman yun at pilit ko narin yung tinatanggap pero sana wag naman nya iparamdam sakin na importante ako para sakanya dahil parang mas lalong hindi ko kakayanin na mawala sya, baka mas lalo akong masaktan.

Nag shower na ako at nagpalit, nag-ayos rin muna ako saglit pagkatapos ay naghanda na.

Pagkatapos kong maghanda ay biglang pumasok sa silid si Christopher.

"Are you ready baby?" Tanong sakin ni Christopher at tumango lang naman ako bilang sagot.

Tinulungan ako ni Christopher mag bit-bit ng mga bagahi ko.

"Ako nalang jan Christopher puntahan mo muna si Kathryn baka kailangan ng tulong mo" saad ko sakanya sabay ngiti.

"Okay, tulungan ko muna sya saglit" sagot nito at tumango naman ako pero deep inside nasaktan ako dahil selfish man pero hinihiling ko na sana pabayaan nalang nito si Kathryn at wag na puntahan.

Maya-maya lang ay bumaba na si Kathryn at Christopher bit-bit ni Christopher ang bagahi ni Kathryn habang si Kathryn naman ay nasa likod ni Christopher, bigla ko nalang naalala ang nakita ko kanina at nadurog ulit ang puso ko. Gustong-gusto na pumatak ng mga luha ko ngunit pinipigilan ko ito hindi nila pwedeng makita na umiiyak ako hindi nila pwede malaman na nasasaktan ako.

Nang makababa na sila ay pumasok na kami sa isang kotse na susundo saamin. Nasa back seat kaming dalawa ni Kathryn at si Christopher naman ay nasa passenger seat, Isang lalaking di naman masyadong katandaan ang nagdadrive, tahimik lang ang naging buong byahe namin, wala ni isang umiimik saaming tatlo.

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon