CHAPTER 6

147 24 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang mansion sa may beach resort kaninang umaga pa kami rito at mag aalas sais na ng hapon pero di parin kami umuuwi baka nag-aalala na si mama sakin.

"Kailangan natin mag stay dito ng isang araw. Can you call your mother para makausap ko sya na dito ka muna mag-istay for tonight" Saad ni Christopher

"H-huh? Pero wala akong load" sagot ko naman

"Then give me her number i'll call her" Sagot naman nito kaya binigay ko nalang ang number ni mama at tinawagan nga nya ito napakabait pa magsalita ng kausap nya si mama kaya napapayag nya ito.

Seriously? pinayagan ako ni mama makitulog sa taong di nyapa naman lubusang kilala.

"kumain na tayo nakahanda na ang dinner" Saad naman nito at tinanguhan ko lang saka sumunod sakanya

Nasa hapag kainan na kami at subrang tahimik wala man lang umiimik saaming dalawa at nakakailang na kaya ako na ang mauunang magsalita bahala na.

"Asan pala ang parents mo?" tanong ko rito upang mabasag ang katahimikan.

"Matagal nang wala ang papa ko and my mother i don't know where is she, she left me when i was in grade one"  Seryosong sagot naman nito kaya medyo na guilty ako sa tanong ko

"Sorry" Saad ko naman

"No, hindi mo kailangan mag sorry wala ka namang ginawa" sagot nito

"So sino nalang ang kasama mo ngayon?" tanong ko ulit

"My grandma but she's not here nasa cebu pa sya for vacation" sagot naman nito at napatango nalang ako sabay nagpatuloy sa pagkain.

Maya-maya lang pagkatapos namin kumain ay nag-ayos nako at nagpalit binigyan kasi ako ni Christopher ng pantulog, t-shirt lang sya at pajama hindi ko alam kung kanino to pero sinuot ko nalang rin pagkatapos ko maghugas ng katawan hindi kasi ako mapakali pag matutulog akong hindi nakakapaghilamos at nakakapaghugas.

Maya-maya lang ay nakatulog na ako.

Kinabukasan.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa bintana

Naghilamos lang ako at bumaba na walang toothbrush-toothbrush

"Good morning babe, kamusta ang tulog mo? Did you sleep well?" tanong naman nito,

"Ayos lang naman medyo nanibago pero nakatulog naman ako ng maayos" sagot ko naman at nginitian ito sa totoo lang first time ko kasi matulog sa hindi namin bahay,

"Ah okay, breakfast is ready tara kain na tayo" Aya naman nito kaya naupo nako sa hapag kainan. Nagdasal muna kami bago kumain, pag-katapos namin magdasal ay nagsimula na kaming kumain

"Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko sakanya

"Yup" Simpleng sagot naman nito sa totoo lang bihira nalang ang lalaking marunong magluto at saka ang sarap nya pa MAGLUTO

"Ahm sya nga pala may importante akong pupuntahan hintayin mo nalang ako dito then pagbalik ko uuwi na tayo" saad naman nito

"h-huh saan pwedeng sumama?" tanong ko naman dito,

"No, Just wait for me here hindi ka pwede don" Sagot naman nito na tila ba medyo galit kaya hindi nako nagpumilit

"Okay" sagot ko naman

"Good, okay magpapalit lang ako then aalis nako" Saad naman nito. What? Aalis nadaw sya agad-agad

"Ngayon na agad-agad?"tanong ko naman pano ba naman kasi ang aga² pa hindi pa nga nag-eeight

"Yup" Simpleng sagot naman nito at tinapos na ang pagkain nya tapos ay umakyat na magpapalit na ata yun

Maya-maya lang ay bumaba na sya at nakapagpalit narin

"Aalis kana?" tanong ko naman pero halata naman ata na aalis na sya

"Yes, If there's any problem call me" sagot naman nito pero pano i wala akong number nya,

"Pero hindi ko alam ang number mo" sagot ko naman

"Give me your phone" binigay ko naman ang phone ko sakanya pag katapos ay inilagay nya ang number nya

"Here, i'll go ahead" Ibinalik nya saakin ang cellphone ko pagkatapos ay hinalikan naman ako nito sa noo at umalis na.

Wala akong kasama dito ngayon, ewan koba ang laki-laki ng mansyon nato pero walang katao-tao akala kopa naman marami akong makikilala rito pero maiiwan pala akong mag-isa.

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon