CHAPTER 12

122 20 0
                                    

SHERLY'S POV

Nandito na kami ngayon sa may pinto ng mansion sa beach resort na pinuntahan namin noon.

"Let's go babe" Saad naman ni Christopher dahil napahinto ako.

"A-hh sige" sagot ko naman at sumunod na sakanya papapasok.

"Good afternoon señiorito and señiorita " Bati ng isang babaeng halata sa hitsura na medyo may edad na, Ngumiti lang ako dito at binulungan si Christopher.

"Sino sya bat nong pumunta tayo dito noon walang katao-tao?" pabulong na tanong ko naman at ng medyo makalayo na kami sa babae kanina ay sumagot na ito.

"Sya si ate Mera sya ang nagbabantay kay Lala" Sagot naman nito.

"Lala? Yung Lola mo?" tanong ko ulit sakanya.

"Yup, alam mo naman kasi medyo matanda na si lala at hindi pako palaging narito kaya kailangan nya ng makakasama" sagot nya ulit at napatango nalang ako.
Inilibot ko ang mata ko sa buong mansion hanggang sa nakakita ako ng isang babaeng may katandaan na pababa sa hagdan

"Oh! Apo, you're here na pala" saad nito ng makababa na ng hagdan.
So sya pala ang Lala ni Christopher sabi nya ang tanda na pero medyo makinis panaman ang balat nito at hindi pa masyadong kolubot, mukhang matanda lang sya ng kunti kay ate mera.

"Kala ko ba ang tanda-tanda na ng lala mo? Eh parang kunti lang magkasing edad na sila ni ate mera eh" bulong ko kay Christopher at napatawa lang ito.

"Maganda kasi si lala kaya hindi halata lahi kasi kami ng magaganda't pogi" pabulong nasagot naman nito at tumawa ng mahina. Ang hanging talaga pero sabagay totoo naman.

"Tskk kapal ng mukha" sagot ko naman at inirapan sya.

"Apo who's with you?" tanong ng lala nya at nagmano muna si Christopher Sakanya bago sumagot.

"She's sherly  lala my girlfriend" sagot ni Christopher

"Hi po ma'am" bati ko naman sa lala ni Christopher.

"Oh ijah just call me Lala, Tara nakahanda na ang pagkain don sa table" wika naman nito at pinasunod na kami patungong hapag kainan.

Napanganga ako ng makita ko kung gaano ka rami ang nakahandang pagkain mukhang magpapaparty yata dito eh.

"Lala ang dami naman atang pagkain?" tanong ni Christopher

"May inimbitahan kasi akong bisita hintayin muna natin sya" sagot naman ni lala

"Okay" Saad ni Christopher at naupo na muna pagkatapos nitong umupo ay saka narin ako naupo sa tabing silya nito.

"So lala how's your vacation in Cebu?"  tanong ni Christopher

"It's so fun apo Cebu is a nice place, mamasyal ka rin don paminsan-minsan ang tagal na since noong last time na pumunta ka don" sagot naman nito.

"I will lala pag dina masyadong busy" Christopher*

"Lala" tawag ng isang babae sa lola ni Christopher kaya napalingon kami.

"Oh! Kathryn you're here! Buti naman at nakarating ka" Saad naman ni lala sa kararating lang na si Kathryn.

Shit nandito sya, sya pala ang sinasabi ni lala na bisita nya ang awkward lang kasi makakasama namin sapag kain ang ex ni Christopher tas mukhang close na close pa sila ni lala ano nalang ang papel ko rito?!

Maya-maya lang ay nag-umpisa na kaming kumain tahimik lang kaming kumakain nong una hanggang sa biglang basagin ni Kathryn ang katahimikan.

"Ahm so Lala did you enjoy your vacation in cebu?" tanong ni kath sa lola ni Christopher.

"Yah ijah actually ine-encourage ko nga si Christopher na pumunta doon kasi baka namimiss nya narin ang Cebu" Lala*

"Oh! That's a good idea. So Christof pupunta kaba?" Pagbaling naman nito kay Christopher.

" I'll try pag may libreng araw nako" christopher*

" Bat dimo I try Next week diba 5 days no class " Kath*

"Oh yeah oo nga pala, at saka isasama kona rin si Sherly" Christopher*

"Ako? Bakit ako?" Tanong ko naman at bumilis ang tibok ng puso ko,

"Why not?! You are my girlfriend kaya isasama kita" sagot naman nito at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa tuwa, Ano ka ngayon kath?! Ay wow!

"By the way, pwede ba akong sumama? You know kasi nagplaplano rin sana ako na pumunta doon" Sabat naman ni Kath.

"A-ahm ikaw if you w-want" sagot ni Christopher at napangiti naman si kath yung kaninang nararamdaman kung tuwa ay napalitan ng kirot sa dibdib. Sigurado ba sya pasasamahin nya ko tas pasasamahin nya rin ang ex nya?! hays ewan ko sakanya.
Tinapos ko nalang ang kinakain ko at hindi nalang nakisabat sa pinag-uusapan nila pakiramdam ko tuloy ay wala ako rito.

Gabi na at sinabi ng Lola ni Christopher na dito nalang muna daw kami mag stay tatlo sabay nalang daw kami umuwi bukas ng umaga tinawagan ko nalang si mama at nagpaalam pumayag naman ito kaya ano panga bang magagawa ko?!

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon