SHERLY'S POV
Papasok nako ngayon sa school ng makasalubong ko sila jen.
"Bes, Alam moba kung anong narinig kung chismis" saad ni jen sakin,
"Syempre bes hindi, hindi naman kasi ako tsismosa" sagot ko naman dito at napairap lang ito
"Bes well makinig ka okay?! yung Kathryn na pinakilala sayo ni chris sya yung bagong transfer" dahan-dahang wika naman nito.
"Ouh ngayon? " tanong ko naman sakanya
"Bes, Ex nya si Chris" sagot naman nito.
Parang may naramdaman akong kirot sa dibdib ng sabihin nya yun."A-aahh T-talaga sige P-pasok na tayo" pautal-utal na sagot ko naman at nagsimula ng maglakad.
Papasok nako sa classroom ng makita ko si Christopher katabi Si Kathryn,
Shit para akong na estatwa hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Ang sakit para akong biniyak subrang sakit."B-bes, Okay ka lang?!" Tanong ni jen sakin kaya bumalik ako sa katinuan,
"H-huh Oo O-okay lang" sagot ko naman at pumasok na ng tuloyan sa classroom.
"Sher" tawag sakin ni Christopher,
Ngunit hindi ako humarap ewan ko kung bakit siguro dahil hindi nya ko tinawag na babe sanay narin kasi akong yun yung tawag nya sakin pero dahil nandito si Kath kaya siguro hindi nya ko tinawag sa ganun."Sherly" Saad ulit nito at naramdaman kung nakahawak na ang mga kamay nya sa braso ko.
"What?! Ano ba Christopher?" Sigaw ko naman dito hindi kona mapigilan at naramdaman ko rin na medyo humigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso ko.
"A-ah Christopher sorry to enterupt, ahm by the way I have to go baka malate nako" sabat naman ni Kathryn.
"Okay" tanging sagot naman nito at pakiramdam ko ay dinudurog ako sa pinong-pino, ano ba tong nararamdaman ko bat bako nagkakaganito?
"Christopher bitawan moko nasasaktan ako" saad ko naman dito at binitawan nya narin ako.
Buti nalang at wala pang dumadating na iba pa naming classmate at kami palang nila jen ang nandito kung nagkataon kasi nakakahiya."Sorry, sorry babe" sagot naman nito at binitawan ang mga braso ko,
Pagkatapos ay pumunta nako sa upuan ko at naupo tumabi naman ito sakin."Babe galit kaba sakin? Look sorry nagtampo lang naman ako ng hindi ka humarap" Saad naman nito at hinawakan ang kamay ko ngunit hindi ko ito kinibo.
Maya-maya lang ay nag-umpisa na ang klase.
Ilang oras din ang lumipas ay nag lunch break na.
"Bes grabe si chris kanina ha, sorry kung hindi kita na tulungan bes" wika naman ni jen.
"Bes ano kaba wag mona isipin yun" sagot ko naman sakanya.
"Talaga? Bes tara punta na tayong canteen" pag-aaya naman nito.
"Bes ikaw nalang busog pa kasi ako eh" sagot ko naman dito at nginitian sya.
"sigurado kaba?" tanong naman nito at tinanguhan ko lang sya bilang sagot.
"Okay" dagdag pa ni jen at lumabas na.
Haysss sa totoo lang hindi pako nakakain kaninang umaga kasi hindi nako kumain iniisip ko kasi baka traffic nanaman kaya maaga akong umalis pero salamat nalang rin at hindi pala traffic.
BINABASA MO ANG
Special punishment (Completed)
Teen FictionWhat if someone chase you and give you a punishment because of a mistake that you did? What if your simple life will suddenly change because of a little mistake? "It all started with one punishment, a very special punishment."