CHAPTER 2

219 25 1
                                    

*MEET CHRISTOPER LEE*

Hays tinatamad ako pumasok ngayon, pero di ako pwede mag absent baka kasi marami akong ma miss na activities at mag-eexam pa kami.

Naligo na ako at nagpalit, di naako nag breakfast dahi magjejeep lang kasi ako at baka traffic ngayon tapos ay malate pa ako kaya don nalang ako sa school kakain.

"Manong para ho!" Sigaw ko sa driver at nang huminto ito ay bumaba na ako. Medyo malayo pa dito ng kunti ang school pero ok lang hindi rin kasi makakapasok doon ang jeep e.

Pag dating ko sa school ay dumiritso na ako sa classroom namin.

"Bes, samahan mo naman ako sa canteen please" Paki-usap sakin ng kaibigan kong si jen.

"Ouh sige bibili narin ako di rin kasi ako kumain kanina" Sagot ko naman total di pa naman dumarating ang teacher namin.

Nakarating na kami sa canteen at bumili narin ako ng egg sandwich at juice. Trip ko mag juice kahit maaga pa di kasi ako sanay magkape e.

"Bes, don nalang natin to kainin sa classroom" Saad ko kay jen at tumango lang naman ito bilang sagot, pabalik na kami sa classroom ng bigla akong nakabangga at nabuhos ko ang juice sa suot nya na damit.

"S-sorry!" pautal-utal na saad ko naman habang hindi tumitingin sa mukha nya dahil pinupunasan ko ng panyo ang suot nya pero sa tingin ko kahit punasan ng punasan ko pa ito ay wala itong maitutulong

"Ang dami mo ng atang kasalanan sakin" Saad ng lalaking nasa harap ko ngayon kaya napa angat ako ng tingin sa hitsura nito at hindi ako nagkakamali sya yung sinampal ko sa bar.

"A-ahm s-sorry" pautal-utal na sagot ko  at hinila si jen sabay  takbo

"Hoy! Gaga ano ba bitawan mo nga ako" Sigaw nya ng makalayo-layo na kami

"Ano bang problema mo sher bat ka tumakbo nalang bigla?" Nagtatakang tanong nito sakin

"Naaalala mo ba yung ikinwento ko sayo sa bar? bes sya yun!" Sagot ko naman at tila nabigla naman si jen sa narinig

"Ano?! Sher sigurado kaba?" tanong nito ulit at tinanguhan ko lang sya bilang sagot pagkatapos ay nagbell na hudyat na magsisimula na ang klase kaya agad-agad na kaming bumalik sa classroom and thank god wala pang teacher na dumating

Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin na may kasamang w-what?! shit kasama nya yung lalaking sinampal ko at nabuhusan ko lang ng juice kanina. Hinahanap kaya ako nito? Ipapaguidance kaya ako nito? Patay na diko naman kasi alam na dito sya nag-aaral hays, yumuko nalang ako para hindi nya ako mapansin tinakpan ko narin ng buhok ko ang mukha ko.

"Ok class listen! I wan't y'all to meet your new classmate Christopher Lee, So Mr.Lee can you please introduce yourself "  Saad ng guro namin.

"I'm Christopher Lee and I am 21 years old, I work as a model and we own one of the biggest company here in  philippines the lee corporation" Pagpakikilala naman nito na dahilan upang kiligin ang mga kaklase ko  naghanap narin ito ng mauupuan. At salamat naman dahil medyo malayo sa kinauupuan ko ang napili nya. Nanatili paring nakatakip ang mga buhok ko sa mukha ko hanggang sa mag-uwian at buti nalang hindi ako nito napansin.

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon