CHAPTER 16

92 16 0
                                    

*PARK

"Sherly get ready mamasyal tayo sa park maliligo lang ako saglit" pagkasabi non ay umalis na si Christopher para maligo.

So ibig sabihin hindi nya pala tinanggihan si Kathryn. mamasyal pala talaga sila then pasasamahin pa ako hindi niya ba napapansin o nararamdaman na nasasaktan ako pag nakikita kong magkasama sila ni Kathryn?!

Walang gana na pumasok ako ng banyo may banyo kasi ang silid nato pagkatapos ay naligo lang ako ng ilang minuto at nagpalit. Nag-suot lang ako ng simpleng jeans at t-shirt saka white shoes pagkatapos ay bumaba na ako.

"Are you done?" Tanong ni Christopher pagbaba na pagbaba ko. Nandito narin sa baba si Kathryn mukhang ako nalang ang inaantay nila.

Diko mapigilan ang mapatitig kay Kathryn ang sexy nito at ang ganda pa ano kaya ang laban ko sakanya? Ex nito si Christopher, Oo at ako nga ang girlfriend nito ngayon pero pakiramdam ko ay hindi naman iyon totoo pakiramdam ko ay laro lang ang relasyon na meron kami ngayon. Malamang ano panga bang aasahan ko e punishment nga lang naman pala ito para saakin, Ito ba ang punishment ko sa simpleng sampal nayun? Ito ba ang punishment na sinasabi ni Christopher ansakit pala ansakit ng parusa nya pakiramdam ko tuloy ay pinagsisisihan ko kung bakit ko ginawa iyon kung hindi ko sana ginawa ang dare saakin ay hindi ko sana ito makikilala at hindi ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Habang nasa park kami ay hawak-hawak ni Christopher ang kamay ko, naglalakad lang kami ngayon dito sa park ang ganda pala talaga dito.

"Wow, Ang ganda pala talaga dito christof no? It's more than beautiful than what i've imagined. Noon kasing nagpunta tayo dito sa cebu dati ay hindi natin ito napuntahan" nakangiting saad ni Kathryn kay Christopher.

"Yeah, nagustohan mo ba rito sherly?" Tanong naman ni Christopher saakin.

"Huh? A-ahm yeah it's beautiful" sagot ko naman dito at ngumiti nagpatuloy lang kami sa paglilibot ng park at nang mapagod kami ay nagpahinga kami saglit sa isang waiting shed pagkatapos ay naghanap ng restaurant na makakainan.

Mag gagabi na ng makauwi kami galing sa pamamasyal nagpahinga lang kami saglit pagkatapos ay nag-order na si Christopher ng kakainin namin sa dinner, nag insist sana ako na magluluto nalang ako pero mag oorder nalang raw kami para hindi na ako mapagod magluto kaya pinabayaan ko nalang rin.

Maya-maya ay may nag doorbell na tiningnan rin ni Christopher kung ito naba ang pagkain na inorder nila.

"The food is here guys!" Napakarami niyon.

"Wow" sabay na pagkasabi namin ni Kathryn at nagkatitigan kami pero umiwas naman ako agad.

"Andami naman ng food nayan christof?" Tanong ni Kathryn, andami nga nito kaya nga kami napawow kanina eh.

"Yah pinarami kona para hindi mag kulang at para mabusog tayo" sagot naman ni Christopher at inilapag na ang mga pagkain sa lamesa.

"Dikapa rin pala talaga nagbabago Chris, hanggang ngayon andami mo parin mag order ng pagkain mukhang magpapabudol fight ka ata eh" Ani ni Kathryn sabay tawa ng mahina at nginisihan naman ito ni Christopher.

"Ahm, excuse mag babanyo lang muna ako" paalam ko sakanilang dalawa at nagpatuloy na patungong banyo.

Ansakit pala makita si Christopher na nakangiti kay kathryn pakiramdam ko sa bawat ngiti ni Christopher kay Kathryn ay dinudorug ang puso ko. Normal paba itong nararamdaman ko nato? Dapat ko na ata tong tapusin dahil pakiramdam ko ay masasaktan ako ng subra pag nagpatuloy ako, baka hindi kona pakawalan pa si Christopher pag hindi ko pa ito ginawa at sigurado akong hindi magiging masaya si Christopher saakin dahil ang ex parin nito ang mahal niya at hindi ko kaya na mangyari iyon. Pagbalik na pagbalik namin ay iiwan ko na ito wala akong pakialam tungkol sa deal namin sa punishment ko basta hindi ko na kaya na magpatuloy pa ito kaya bahala na.

Special punishment (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon