KAIBIGAN

162 14 1
                                    

"look hindi ka niya gusto" sabi saakin ng kaibigan kong si Elise.

"a-alam ko, walang wala ako sa Ex nun e" depensa ko nalang sa kanya, ang tinutukoy niya ang ang crush kong si Leo.

"pinapaasa kalang niya tsaka look pa-fall yun hay nako" napadabog ito dahil sa inis.

"s-sabi sakin ng tropa niya gusto niya daw ako" utal na saad ko rito kaya agad siyang tumingin saakin at sinamaan ako ng tingin.

"gusto ka niya? What the fuck? Kalokohan nila hay nako naiinis na ako sa lalaking iyan ah"gigil na sabi nito at tila inis na inis na kay Leo.

"at tsaka wake up niloloko ka kang niya, mahal niya pa ang Ex niya at ginagawa ka lang niyang panakip butas" sabi nanaman uli ni Elise, pulang pula na ang mukha niya dahil sa inis.

"pinanghahawakan k-kolang ang s-sinabi niya" sagot ko uli na kinagat ang ibaba ng labi ko dahil baka dakdakan nanaman ako.

"pinanghahawakan? Eh siya nga e natiis nga, look diba magkaaway kayo? Asan siya ngayon ha lumalandi sa chat, tigilan muna iyang Leo manloloko na iyan sinasabi ko sayo" nagtitimping sabi nanaman nito.

Alam niyang magkaaway kami ngayon ni Leo dahil sa hindi pagkakaunawaan, mukha ngang tama ang kaibigan kong ito, natiis niya ako haha.

"o-oo na" sabi ko nalang at tinignan ako nito na para bang naaawa siya saakin.

"im sorry, worried lang ako sayo kasi naalam ko ang lahat ng ito sa mga taong nakapaligid niya, ayokong niloloko at sinasaktan ka nila, tama na yung panggagamit niya sa iyo" then i cried infront of her, ang swerte ko dahil may kaibigan akong tulad niya.

"h'wag kang umiyak dahil sa lalaking yun, hindi siya kawalan tandaan mo, pa-fall talaga ang kapal ng mukha" saad nito at niyakap ako .

"s-salamat Elise" sabi ko.

"Always welcome, tinuring na rin kitang tunay na kapatid, im always here for you".

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon