Boy: Wala ba kayong suklay sa bahay?
Girl: Nawawala. Aray! 'Wag mong hilain, masakit.
Boy: Ilang bese na ba kitang binilhan ng suklay ha? Magsuklay ka sa bahay niyo.
Girl: Nawawala nga!
Boy: Tsk, nagmumukha kang engot lagi!
Girl: Aray naman! Ako na nga! Amin na 'yang suklay!
Boy: Manahimik ka d'yan!
Girl: Sinasabunutan mo na ako eh!
Boy: Boyfriend mo kasi ako hindi parlorista mo!
Girl: Wala naman akong sinasabing suklyan mo ko ah?
Boy: Gusto kong suklayan ka, bakit?!
Girl: Sinasabunutan mo nga kasi ako!
Boy: Ang ganit kasi ng buhok mo! Kailan ka ba huling naligo? Nung last week?
Girl: KANINA AKO NALIGO!
Boy: Naliligo ka ba talaga? Baka nagbuhos ka lang ng isang tabo?
Girl: Kaasar ka naman eh!
Boy: Oh ayan! Mukha ka ng tao.
Girl: Wow, thank you ah, thank you talaga.
Boy: 'Wag mo kong irapan.
Girl: 'WAG MO KURUTIN PISNGI KO!
Boy: Haist.
Girl: Oh? Ba't bumuntong hininga ka?
Boy: Wala lang.
Girl: Share mo lang?
Boy: Sipain kaya kita?
Girl: Ano? Suntukan na lang? Ano?!
Boy: Ewan ko sa'yo.
Girl: Bakit nga? Upo ka nga rito sa tabi ko, nakakangawit kang tingalain.
Boy: Wala nga, kasi naisip ko lang... bakit isang barbaro ang girlfriend ko--- aray!
Girl: SINONG BARBARO?!
Boy: Hahaha, joke lang.
Girl: 'Wag mo kong yakapin!
Boy: Eiii, gusto ko hug mo ko. Dali na.
Girl: Ewan ko sa'yo.
Boy: Bibilhan ulit kita ng suklay ah? Magsuklay ka na.
Girl: Oo na, kapag hindi nawala.
Boy: Sus, baka naman winawala mo lang para lagi kitang i-baby.
Girl: I-baby?! Sinasabuntan mo kaya ako! Kung hindi lang kita boyfriend baka isipin kong bakla ka.
Boy: Shhhiiikkk, sinong bakla? Tsaka hindi naman kita sinasabunutan ah? Ang gentle ko nga pagdating sa'yo.
Girl: Gentle raw... sinong niloko mo?
Boy: Hahaha, pwera biro... I love you.
Girl: ...
Boy: Uy, sabi ko, I love you.
Girl: Naririnig ko! Sa tenga ko kaya nakatapat bibig mo!
Boy: Asa'n "I love you too" ko?
Girl: Mag-antay ka.
Boy: Bakit?
Girl: Kinikilig pa ako.
Boy: Hahahahaha. ©
![](https://img.wattpad.com/cover/167351934-288-k930034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Historia CortaStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...