I BOUGHT HER A BEAR

44 3 0
                                    

I BOUGHT HER A BEAR
— Felicity Moon
[Listen to Kabilang buhay girl version while reading this]

"Ang tagal na natin pero hanggang ngayon ganito pa rin 'yung estado ng relasyon natin," medyo may tampong sabi ng girlfriend ko. Napabuntong hininga ako bago ko tinignan ang aking mga kamay, nahihiya ako sa kan'ya.

"Hay nako Gino." Bigla s'yang tumayo sabay iniwan ako kaya lalo akong nalungkot.

Ako si Gino, isang simpleng lalaki, kargador lang ang trabaho ko dahil sa hirap ng buhay and she's Lorie my girlfriend. Maganda ang buhay n'ya, opposite saakin but I'm trying my best para maging proud s'ya saakin. 4 na taon na kaming nagsasama, mahirap pero kinakaya. Mahal na mahal ko si Lorie.

"Sorry baby." Yakap-yakap ko ang likod n'ya habang nagluluto s'ya. Kauuwi ko lang kaya medyo pagod ako.

"Ano ba Gino, 'yung pawis mo dumidikit saakin tsk. Maligo ka muna," inis na sabi nito saakin. Humakbang ako paatras dahil sa pagtaas niya ng boses saakin.

"Sorry.." nahihiyang usal ko. Padabog n'ya akong nilagpasa kaya napatingin ako sa kan'ya, nagtataka ako kung bakit s'ya ganoon.

"Baby naman, ano bang gusto mo?" tanong ko rito.

"I want you to buy me a ring." Natahimik ako sa sinabi nito. Singsing..

"Pft. Don't ask kung hindi mo naman kaya. Alam kong wala kang pera," usal nito. Lalong lumiit ang tingin ko sa sarili ko dahil sa sinabi n'ya.. Ang sakit.

Dahil doon nagpursige akong magtrabaho, mukha naman s'yang walang pakielam saakin kaya nakapagfocus ako sa pagtatrabaho at pagsisideline. Kailangan ko ng pera para sumaya s'ya at matupad ang gusto n'ya. Mahal ko s'ya kaya kahit ano gagawin ko basta sumaya s'ya, kahit hindi na ako. Her happiness is my happiness too.

Nagpatulong ako sa kaibigan ko upang ipadala ang ibibigay ko para sa kan'ya. Masaya ako dahil nakabili ako, ready na ako at alam kong makakaya ko s'yang pakasalan. Worth it ang hirap at pagod ko dahil nabili ko na ito..

Nasa labas lang ako ng bahay nila dahil umalis na ang kaibigan ko, nakatago lang ako at inaantay na lumabas s'ya. Noong nakita ko s'ya lumabas ay sumalubong sakan'ya ang malaking bear, that's my gift for her.

"what the hell? Dagdag patapon? I said a ring," inis na singhal nito sa bear. Masama ang tingin n'ya roon, hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga sinasabi n'ya.

"Kahit kailan talaga 'yung lalaking 'yun, tsk. Mukha bang singsing 'to?" Nakita kong binuhat n'ya 'yun at akala ko ay ipapasok n'ya pero nagulat ako dahil ibinigay n'ya ito sa nagbabasurero at tila tuwang-tuwa naman sila kaya agad akong umayos ng pwesto at nagsimula umalis sa pinagtataguan ko, hindi pwede.. Pinaghirapan ko 'yun para sakanya..

Mabilis na umandar ang nagbabasura kaya agad akong tumakbo ng mabilis at hinahabol ang sasakyan na 'yun para huminto. Naging matagumpay ako dahil huminto naman sila.

"Give me that bear, that's for my girl." usal ko. Kunot noo silang tumingin saakin at binigay na rin nila. Niyakap ko nag bear kahit galing sa basurahan at madumi na, nakita kong nakatingin saakin si Lorie at nanlalaki ang mga mata nito hanggang sa hindi ko napansin na may pasalubong pala na kotse saakin. Bago ako makagalaw at nasagasaan na ako nito.

"GINOOOO!" sigaw ng girlfriend ko. Naramdaman kong tumama ang ulo ko kung saan, nakita ko si Lorie napapatakbo saakin, hawak hawak ko pa rin ang bear at medyo nakangiti pa. Sobrang ganda n'ya talaga, mabait at sobrang mahal ko s'ya.

"GINO!" sigaw n'ya ulit. Lumuhod s'ya at tinapik tapik ang pisngi ko. Nararamdaman ko ang dugong tumutulo mula sa ulo ko, nahihirapan na rin akong huminga..

"TULONG!" sigaw n'ya ulit. Nag-uumpisa na s'yang umiyak, gustong gusto kong punasan ang luha n'ya, ayaw na ayaw ko s'yang umiiyak dahil masakit para saakin 'yun. Her precious tears..

"Mahal.. na m-mahal kita Lorie," nahihirapang usal ko. Nakita n'ya ang bear na binigay ko sa kan'ya at niyakap n'ya 'yun.

"H'wag mo akong iwan please.. Tulungan n'yo kami!" sigaw n'yang muli. Bago ko maipikit ang mga mata ko at malagutan ng hininga ay biglang nagsalita ang bear..

"Hey Lorrie, Marry me.." kasabay n'on ang paglalahad ng bear ng isang singsing para sakanya.. Kahit marumi na ang bear ay makinis at makinang pa rin ang singsing.. Pagkatapos n'on ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Gino loves you alot, marry him.." bear.

"NOOOOO!!"

"Sorry Lorie, mahal na mahal kita kahit ganito lang ako, sobra kitang mahal. Handa akong isakripisyo ang lahat para saiyo, h'wag kang umiiyak ayokong nasasaktan ka, sa tuwing masaya ka sumasaya rin ako kahit minsan ay hindi ako ang dahilan, Lorie sobrang swerte ko simula noong dumating ka sa buhay ko. Ikaw 'yung naging inspirasyon ko sa lahat. Maraming salamat, you're the best girlfriend for me kahit toyoin ka, moody at baliw, I love you, mahal na mahal kita.. Take this bear for you. Marry me, nakahanap na ako ng trabaho at pasok agad ako. Babawi ako saiyo Lorie, stay with me please? Will you marry me? " the bear said..


Fiction // Open for criticism // Inspired story // Errors ahead //

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon