Boy: Ang ganda ng kamay mo.
Girl: Hindi kasi ako gumagawa ng gawaing bahay.
Boy: Ahh, hahaha. Buhay prinsesa ka pala.
Girl: Hindi naman, tamad lang talaga.
Boy: Hmm, nag-me-make up ka?
Girl: Oo.
Boy: Bakit?
Girl: Para gumanda.
Boy: Pero maganda ka na.
Girl: Alam mo ba?
Boy: Na?
Girl: Gusto kita.
Boy: (natigilan) H-ha?
Girl: Gusto mo rin ba ako?
Boy: H-h-ha?
Girl: Nitong nakaraang Linggo puro mga 'bad traits' ang pinapakita ko sayo. Akala ko lalayo ka, pero hanggang ngayon kinakausap mo pa rin ako. Bakit?
Boy: K-kasi...
Girl: Gusto mo ko?
Boy: Hindi.
Girl: (natigilan)
Boy: Ano.
Girl: Pero bakit?
Boy: Kasi...
Girl: Ano nga?
Boy: Natutuwa ako sayo. Ang totoo mo kasi. Gusto kita maging kaibigan, ganun.
Girl: Alam mo namang gusto na kita diba?
Boy: Kasasabi mo lang.
Girl: Kaya impossibleng maging kaibigan mo ako. Gusto talaga kita...
Boy: Pero-
Girl: Yon na yon tapos.
Boy: Pero gurl, kalahi mo aketch. ©
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Short StoryStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...