GREAT PRETENDER (2)
( MINE's POV)Papunta ako ngayon sa school, maaga akong gumising dahil ayoko namang ma-late. Balita ko rin may malapit na program na gaganapin sa school siguradong kaunti lang ang papasok dahil preparation palang naman.
"MINE!" Nakarinig ako ng sigaw ng pangalan ko mula sa malayo kaya agad kong inayos ang sarili ko at ngumiti sa kanya. It's Them, I mean that's his name. My bestfriend.
Tumakbo ako papalapit sa kanya sabay suot-suot ang malawak kong ngiti. Pero napansin kong parang ang lungkot ng mukha n'ya, ano naman kayang meron?
"Hoy okay kalang?" pagtatanong ko rito, ginulo n'ya ang buhok ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng school. Pero hindi n'ya sinasagot ang tanong ko, mukhang ako na ang aalam ha.
"Sure ka ba, Mine?" tanong ng presidente ng room namin. Nakita ko kung gaano s'ya nahihirapan sa ginagawa n'ya. Ang daming nakapending sa kan'ya kaya naisipan ko munang tulungan s'ya.
"Yeah wala naman akong gagawin sa bahay," ngiting usal ko. Habang nag-aayos kami ng room ay nagkekwentuhan kami. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko hudyat na may nagtext saakin kaya palihim ko 'yung binasa.
"Ikaw malandi ka, anong oras na nasa kalye kapa?! Baka gusto mong palayasin na kita dito sa bahay? Malandi ka talaga." Basa ko roon. Hindi ko nalang pinansin at tinuloy ang ginagawa namin.
"Anong oras na hindi ka ba papagalitan?" Alalang tanong n'ya, ngumiti ako bago sumagot.
"Hindi ah, naiintindihan naman nila ako," I lied.
"At saan ka nanaman nagsususuot? Lumandi ka nanamam noh?" Bungad saakin ng tatay ko. Hindi ko nalang s'ya pinansin at ini-ayos nalang ang sapatos at bag ko sa gilid.
"Aba't hindi ka talaga sumasagot, mukhang tama nga ako." Napabuntong hininga nalang ako sa umakyat sa kwarto. Madilim dito, mas gusto 'yun dahil ang komportable sa pakiramdam.
"Mine?" tawag saakin sa kabilang linya. Isa s'ya sa kaklase ko.
"Hey, what happened? Ayos ka lang?" Dinig ko ang pag-iyak nito sa kabilang linya kaya kwinentuhan ko muna s'ya para kahit papaano ay kumalma na s'ya. Hanggang sa nagtatawanan na kami at okay na ang pakiramdam n'ya, nagpasalamat s'ya saakin at sinabi kong wala lang 'yun. Bumaba ako dahil hapunan na, pero wala akong naabutan na ulam sa lamesa.
"Naghahanap ka ng ulam? Bakit hindi ka magtrabaho para hindi ka maging palamunin dito," mahabang usal ni dad habang nakasandal sa pintuan. Bumuntong hininga nalang ako at kumuha ng toyo sabay kumain, nakita ko pa ang pagtawa-tawa nito saakin.
"Walang pinasa na project saakin si Mr. Them, hindi ko alam kung anong nangyayari roon," nakasilip ako ngayon sa faculty nang bigla ko 'yung marinig. Actually, matalino si Them kaya alam ko na kung bakit s'ya ang pinag-uusapan. Parang malaking kawalan sa kanila si Them kung ganoon ang ginawa n'ya. Agad akong nagtanong sa teacher na 'yun kung ano ang hindi naipasa ni Them, mabuti naman ay sinabi nila agad.
Kaya napagpasyahan kong pag-uwi ko ay 'yun ang gagawin ko. Bumili ako ng mga gamit at kung ano-ano pa, hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sa matapos ako. Pagod na pagod akong humiga sa kama, hindi ko alam kung bakit nanaman ako biglang napaiyak kahit walang dahilan kaya hindi ako nakatulog ng maayos.
Nakayakap ngayon saakin si Them dahil nagpapasalamat s'ya sa ginawa ko. Tumawa nalang ako ng bahagya dahil ang OA n'ya
"Anong nasa kamay mo?" Tinago ko agad 'yun at hindi s'ya sinagot. Iniwan ko na s'ya roon dahil dahil pinapatawag ako ng adviser namin.
"Nasaan na ang project mo, Ms. Buenavista?" Napayuko ako dahil doon.
"Hindi ka gumawa? Anong nangyari saiyo? And ano 'yang nasa kamay mo? " Ngumiti ako, pilit na pinapalakas ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Short StoryStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...