LUNCH TIME!
Boy: Sago't gulaman po, 'yung tig-12 lang.
Tindero: Tig-kinse na ang dose dati boy.
Boy: ... Sige, 'yun na lang po.
Girl: Ang mahal naman, dapat 'di ka na bumili.
Boy: Nauuhaw na ako eh.
Girl: Sana nagtubig ka na lang.
Boy: Ito gusto ko.
Girl: Napakagastos mo talaga.
Boy: Hahaha. Hanggang sa may pera, gumastos ka. Hanggang sa may pagkain, kumain ka.
Girl: Matuto ka naman sana magtipid.
Boy: Next time.
DISMISSAL!
Girl: Ito bayad ko, sabay mo na ako.
Boy: Ako na, libre ko.
Girl: 'Wag na. Baka mas malaki pa bayaran ko kapag nagpalibre ako sa 'yo.
Boy: Kaya nga libre, 'di ba? Walang kapalit.
Girl: Naku, 'wag ako. Wala ng libre sa mundong 'to. Kahit buy 1 get 1 binabayaran ko.
Boy: Ililibre ka na nga ang dami mo pang sinasabi.
Girl: Hindi kasi ako kasing yaman mo. Kailangan kong maging praktikal.
Boy: Paano tayo napunta sa ganyang usapan?
Girl: Ewan ko sa 'yo, hahaha! Magbayad ka na nga!
Boy: Hahaha, bayad po, dalawa po 'yan estudyante!
Driver: Kulang 'to boy! Php 9 na ang minimun sa jeep!
Boy: Magkano po kulang?! (dumudukot sa wallet)
Driver: Dos pa!
Girl: Teka ako na---
Boy: Makikisuyo po.
Girl: Ito ambag ko.
Boy: Sa 'yo na 'yan.
Girl: Ayoko magkautang na loob sa 'yo.
Boy: E 'di bayaran mo na lang ako kapag kailangan ko na niyan.
Girl: ...
Boy: ...
Girl: Okay.
Boy: Good.
Girl: Lahat na yata nagmamahal ngayon, mukhang kailangan ko na namang tipirin pa ang tinitipid kong baon.
Boy: Magmahal ka na rin kasi para 'di ka napag-iiwanan.
Girl: Baliw, hahaha. Bakit ikaw? Magmamahal ka na rin ba?
Boy: Hindi.
Girl: Kitams, hahaha.
Boy: Paano ako "MAG"mamahal kung MAHAL na kita?
©

BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Historia CortaStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...