METEOR SHOWER

85 6 1
                                    

METEOR SHOWER
— Felicity Moon

May isang babaeng nagngangalang Estralita

May nanay s'yang mahal na mahal s'ya

Pero si Estralita at maldita, walang respeto sa nanay n'ya. Ang mama nalang n'ya ang mayroon s'ya. Sinisisi n'ya ang nanay n'ya sa pagkawala ng ama nito.

"Ano ba don't touch me" malditang sabi nito at itinaboy ang kamay ng ina. Kita ang lungkot sa mga mata ng nanay nito at panghihina.

Tinawagan ni Estralita ang nobyo nito at sinabi ang tungkol sa Meteor shower napaparating sa pilipinas. Nagbihis nang magarang damit si Estralita at laging tinititigan ng masama ang ina.

"Mag ingat ka anak" saad ng ina, pero inirapan lang s'ya ni Estralita.

Nanghingi si Estralita ng pamasahe papunta sa bahay na nobyo nito.

"Ano ba'yan ang tagal naman" reklamo nito. Dahil mahina na ang katawan ng ina ay nahihirapan itong kumilos.

"Akin na nga tsk" saad ng dalagita at hinablot ang pitaka sabay kumuha ng malaking halaga at iniwan ang kanyang ina.

Pumunta s'ya sa bahay ng nobyo nito at nag abang sila ng meteor shower. Nang dumating ang dis oras ng gabi ay nakita nilang magnobyo ang meteor shower at humiling si Estralita.

'Sana magtagal kami ng boyfriend ko' hiling nito at niyakap ang boyfriend n'ya.

Maya maya pa ay may tumawag sa kanya kaya nainis ito dahil nasira ang moment nilang mag nobyo. Lalo itong nainis nang makitang pangalan ng nanay n'ya ang tumawag.

"ANO BA SINONG MAY SAB I NA PWEDE MO 'KONG TAWAG--" naputol ang sasabihin nito ng biglang magsalita ang tao sa kabilang linya.

"Estralita bakit iniwan mo ang iyong ina? Alam mo namang may karamdaman s'ya" sabi sa kabilang linya. Napairap si Estralita dahil hindi naman n'ya alam na may kardaman ang ina n'ya.

"May sasabihin kapa ba? Sino kaba? Panira ka ah" saad nito. Sabay tingin sa boyfriend at nag pa cute.

"Wala na ang iyong ina. Patay na s'ya"

Ang oras na humiling si Estralita ay ang oras nang pagkamatay ng kanyang ina.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon