Boy: Ang baduy mo talagang manamit. (Naiirita)
Girl: And so? Ikaw ba ang nagsusuot? (Pataray)
Boy: Isa ako sa nakakakita.
Girl: Oh, ano ngayon?
Boy: Nakakairita kang titigan.
Girl: E 'di pumikit ka, bobo.
Boy: (Napapikit sa sobrang inis) 'Yang bibig mo ang sarap sapakan ng dinamita. (Nanggigigil)
Girl: Oh? Ano namang ginawa sayo ng bibig ko?
Boy: AYUSIN MO ANG PAGSASALITA MO PARA KANG HINDI BABAE!
Girl: Ano bang pakialam mo sa mga sinasabi ko ha?
Boy: Naririnig ko---
Girl: E 'di wag mong pakinggan, bobo mo talaga.
Boy: ANO BA?!
Girl: BAKIT BA KANINA KA PA SUMISIGAW?!
Boy: DAHIL NAIIRITA AKO SAYO!
Girl: Bwiset. Napakaarte mo. KUNG HINDI KA LANG BARKADA NG CRUSH KO MATALAGA NA KITANG BINALIAN NG BUTO!
Boy: (Nilapit ang mukha kay Girl) Kahit hindi ako barkada ng CRUSH mo, hindi mo ko mababalian ng buto!
Girl: (Hinablot at pinilipit ang braso ni Boy)
Boy: Ah...ah! ARAY! BITAWAN MO KO!
Girl: (Ngisi) Hindi pala ah. (Irap sabay walk out) [KINABUKASAN]
Boy: Ano 'yang suot mo?
Girl: (Naiirita) Damit. Bulag.
Boy: (Biglang nainis) BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?!
Girl: (Napapikit)
Boy: MAGPALIT KA!
Girl: PWEDE BA! Kung baduy, magagalit ka! Kapag maganda, magagalit ka! Ano ba talaga?!
Boy: Sinong nagsabing maganda ka sa suot mong 'yan?! Ang ikli ng palda mo, nakat shirt ka nga nakikita naman ang puson mo! At bakit naglugay ka?!
Girl: Dahil bagay sa outfit ko!
Boy: HINDI BAGAY SAYO! MAGPALIT KA!
Girl: AYOKO!Boy: ISA!
Girl: Ayoko pa rin.
Boy: Dalawa!
Girl: Ewan ko sayo.
Boy: (Galit) Magpapalit ka o mag-aaway tayo?
Girl: (Napatitig kay Boy at lumunok) Kainis ka naman eh, ano bang mali sa suot ko?
Boy: (Seryoso) Lahat.
Girl: Bakit?
Boy: Dahil baka magustuhan ka niya.
Girl: H-ha?
Boy: 'Pag nagustuhan ka niya, pa'no na ako?
©
![](https://img.wattpad.com/cover/167351934-288-k930034.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Compilation
Short StoryStoryang nabuo mula saaking malilikot na imahinasyon. Editing...