Nag aayos ako ngayon dahil nagpapasama sa mall si Yoongi,
Wala talaga akong balak samahan siya pero wala kasi talaga siyang makakasama dahil umalis daw ang members kasama si Xhia, natutulog daw siya kaya hindi siya nakasama,
Hindi niya kabisado ang lugar dito kaya sasamahan ko na dahil ayokong makonsensya pag naligaw siya at sa ugali niya ay baka mapagtripan siya ng mga tambay.
Nagsuot ako ng red crop top and partnered with white jeans and white converse, itinali ko ang buhok ko at saka naglagay ng powder and lipstick, kinuha ko ang sling bag ko na naglalaman ng wallet and cellphone atsaka ako nagsuot ng white baseball cap at lumabas na ng unit ko.
Inisip ko kung magtataxi ba kami or gagamitin ko yung kotseng iniregalo ni daddy sakin na isang beses ko palang nagamit dahil lagi naman akong hatid sundo ni Zian,
Napagpasyahan kong gamitin na si Lala dahil ayokong mahaggard pag nagtaxi kami.
Lala ang ipinangalan ko sa kotse ko, it's a pink Toyota Yaris, niregalo sakin ni daddy nung nag 18th birthday ako.
Nasa daan na ako nung tumawag siyang nasa may lobby na daw siya,
*beeep beeep*
Hindi na ako bumaba, bumusina nalang ako at sumilip sa car window para ipaalam sakanyang ako to,
Hindi naman kami nag usap pero pareho kaming nakawhite pants tho black ang tshirt na suot niya, lagi namang nakablack to eh.
Nakabaseball cap din siya at nakababa ang itim na face mask sa may chin niya,
"Color pink amp", ngingisi ngising sabi niya bago sumakay ng kotse ko,
"Oh eh ano naman?", masungit na tanong ko,
Ang ganda ganda nga ni Lala eh,
"Too feminine", ngumingisi pa ding sabi niya,
Inirapan ko nalang siya at nagmaneho na, ayokong mabadtrip dahil baka pumangit ako. Magkikita pa naman kami ni boo bukas.
Pagkaparking ko ay dumirecho na kami papasok sa loob.
"Ano ba bibilhin mo?", tanong ko,
"Will you please speak in English when you're talking to me!", singhal niya,
Kailan ba matatapos ang period nito? Laging mainit ang ulo,
"Hey Mister, nasa Pilipinas tayo kaya ikaw ang mag adjust! So ano ngang bibilhin mo?", tanong ko,
"Shoes", simpleng sagot niya na parang ayaw makipag usap kaya tumango nalang ako.
Inilinga linga ko ang mata ko dito sa mall dahil naghahanap ako ng pwedeng iregalo kay Zian, buti nalang pala sinamahan ko siya, may kailangan din pala ako dito.
Habang namimili ng sapatos si Yoongi ay iniisip ko kung magugustuhan kaya ni Zian pag iyun ang niregalo ko sakanya?
"Yoongi, ano bang magandang iregalo sa lalaki? Sapatos ba?", hindi niya ako pinansin at abala pa rin siya sa pamimili,
"Huy!", tch kung hindi ko pa kinalabit hindi niya pa ako lilingunin,
"I'm asking you! What is the best gift for guy?!", naiiritang tanong ko,
"And why are you asking me?", taas kilay na tanong niya at ibinalik ang tingin sa mga sapatos sa harap niya,
"Because you're a guy, for sure alam mo kung ano ang magugustuhang regalo ng lalaki dahil lalaki ka", inis na sagot ko.
"Tss! It depends on a person na pagbibigyan Gela! Fiancé mo ang pagbibigyan mo diba? So for sure alam mo kung ano ang gusto niya! Tsk hindi mo pa ba ganon kakilala yung papakasalan mo?!", sarcastic na tanong niya,
BINABASA MO ANG
Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)
Fanfiction"I didn't know your significance back then.. Back then I was contented with just looking at you.." - Min Yoongi, First Love 🖤