PERSLABSTORI 27

174 8 8
                                    

Tinawagan ko si Hobi at sinabing hindi na ako susunod sakanila dahil bigla akong inantok pero ang totoo ay nawala ako sa mood,

'Aish di ko naman sinabing tulungan niya ko ah'

Nakakainis talaga kahit kailan yung bansot na yon,

Ni hindi ako nakasagot sakanya dahil matapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay tinalikuran niya na ko,

Andito ako ngayon sa kwarto at pilit kinakalma ang sarili ko.

Alam kong badmood siya pero hindi naman yata tamang kung sino ang kaharap niya ay mapagbubuntungan niya ng pagkabadmood niya.

Maya maya lang ay lumabas ako ng kwarto dahil nababagot ako at hindi naman kasi totoong inaantok ako, ang tagal kong nakatulog kanina kaya malabong makatulog ako agad, 9:30 PM na pero hindi pa rin bumabalik sila Xhia,

Paglabas ko sa living room ay sana pala nanatili nalang ako sa kwarto,

Nakita ko si Yoongi na nakaupo sa couch at kunot noong nakatitig sa laptop niya habang nagtitipa, mayroong wine na nakapatong sa lamesang nasa harap niya at katabi nito ang isang notebook, ballpen at headset,

Ginagawa niya?

Tutok siya sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang presensya ko hanggang sa makaupo ako sa tabi niya,

Ayaw ko sana siyang kausapin pero curious ako sa ginagawa niya,

"Ano yan? Saka totoo bang may humamon sayo sa rap battle?", tanong ko at nakisilip sa gingawa niya pero nagulat ako nung bigla niyang isarado ang laptop niya at walang emosyong tumingin sakin,

"Yes", tipid na sagot nito saka kinuha yung baso ng wine niya at uminom,

"H-Hindi pala alam ng members na hindi mo na nililigawan si Shina?", tumingin ulit siya sakin at nananatiling pokerface,

Tumango siya saka tumayo at iniwan ako sa couch,

Problema nun?

Akala ko ay sa kwarto siya dederecho pero nagulat ako nung pagbalik niya ay may hawak siyang isa pang baso at sinalinan yun ng wine saka ipinwesto sa harap ko,

"S-sakin yan?", nag aalalang tanong ko,

"N-Nope, it's for the one who's beside you", seryosong sabi niya kaya ako naman tong mukhang tangang lumingon sa gilid ko,

"H-Hoy wag ka ngang manakot dyan, wala naman tayong ibang kasama dito eh, anong sinasabi mong katabi ko?", medyo napasiksik ako sakanya at narinig ko ang pagngisi niya,

"Ofcourse it's yours, why asking if you know that we are just the two of us here? Tss", inis na sabi niya kaya inirapan ko nalang siya at kinuha na yung baso ng wine ko at ininom yun.

Matagal ulit kaming natahimik, napatingin ako sa relo ko at alas dyis na,

Bakit wala pa rin sila?--

Nagkatinginan kami ni Yoongi nung biglang magring ang phone niya,

"Hmm?..Huh?..WHAT?!", nagulat ako sa biglang pagsinghal niya, magkasalubong ang kilay niya, di ko alam kung bakit at kung sino ba yung kausap niya,

"TSS WHERE ARE YOU?..ARRASEO! ", Pagkasabi niya nun ay binaba na niya ang phone niya saka nagmamadaling tumayo at kinuha yung coat niyang nakasampay sa couch,

"Saan ka pupunta? Saka sino yung tumawag?", naguguluhang tanong ko pero hindi niya ako sinagot, nilingon niya lang ako habang sinusuot yung coat niya at saka tinungo ang daan palabas ng pinto,

Teka? San punta non?

Nagtatakbo ako palabas para makasunod sakanya, halos madapa ako sa bilis ng lakad takbong ginawa ko maabutan ko lang siya,

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon