PERSLABSTORI 74

193 8 2
                                    

"Angelique focus!!", kanina pang sigaw ni Cliff na parang nauubusan na ng pasensya.

Nandito kami ngayon sa may Han River para sa shooting ng MV, natapos na yung kay Xhia na dun ginawa sa may dating dorm namin.

Nakakailang take na pero hindi ko pa rin maayos. May parang gumugulo sakin at ang bigat bigat ng pakiramdam ko sa mga tumatakbo sa isip ko.

Actually this is our final shoot na, after nito ay babalik na kami ng US to prepare everything.

"Give her a 10 minutes break Cliff", singit ni Ces saka agad na lumapit sakin kasabay ng paglapit ni Xhia.

"Sis, are you okay?", nag aalalang tanong ni Xhia at pilit naman akong ngumiti saka tumango sakaniya.

"Puyat lang siguro ako kaya ganto". Nagkatinginan silang dalawa at bumuntong hininga.

"Iniinom mo ba yung gamot mo?", seryosong tanong ni Ces,

"A-Ah oo naman.", tipid na sagot ko at buntong hininga nanaman ang sagot nila.

Ilang linggo na nung sinumpong ako ng anxiety pagkatapos kong matrauma dahil sa nangyari, ang hirap matulog. Madalas akong lutang na parang my malalalim na iniisip at minsan pakiramdam ko din ay sasaktan ako ng kung sino.

Hanggang ngayon din ay nanginginig pa rin ako pag naaalala yung nangyari nung gabing yun. Yung dugo na tuloy tuloy na umaagos mula sa ulo niya. Minsan naiiyak nalang ako sa takot at kaba dahil sa nagsisilbing bangungot na yon na dito mismo sa lugar na to nangyari three weeks ago--

"H-Hey", naramdaman ko ang pagyakap bigla ni Xhia sakin,

"Angelique what's wrong? Why are you crying". Nag aalalang tanong naman ni Ces na pinahid pa ang luha ko.

"W-Wala, tapusin na natin to agad para makaalis na tayo dito". Inayos ko ang sarili ko, at pilit ipinakita sakanilang okay lang ako.

Inutusan ni Ces yung isang stylist na iretouch ako and so she did.

"Okay perfect! Pack up pack up!", nakahinga na ako ng maayos pagkatapos. Pinilit kong magpakaproffesional kahit may kung anong nagwawala sa loob ko.

Pumasok kami sa isang tent para makapagpalit ako ng damit, nakawhite long lace gown ako kanina na bagay na bagay sa lugar. Ang peaceful. Pero kung anong kinapeaceful ng lugar ay yun naman ang kinagulo ng isip ko.

Hindi ako matahimik lalo na't alam kong may taong nahihirapan ngayon.

Simpleng bestida lang ang suot ko, inalis na rin yung sandals ko at pinagsuot ako ng flats. Inalis na rin nila ang pagkakaipit ng buhok ko.

"G-Gela they are here". Usal ni Xhia na nakasilip sa bukana ng tent.

"Who?", kahit nakakatunog na ako kung sino sila ay itinanong ko pa rin.

"Sige lalabas na rin ako". Sabay kaming lumapit sakanila, hapon na rin naman at madaming securities sa lugar kaya panatag kami. Saka mahaba pa ang oras para makapag usap kami dahil nag aayos pa naman ang mga staff.

"Hi Gela, how are you?", salubong agad ni Hobi sakin at biglang yumakap.

Ayokong ipakita sakanilang mahina ako. Ayokong bumalik yung araw na kitang kita nila kung gaano ako katakot nung gabing yun.

Nilingon ko ang lima pang lalaking nasa harap ko. Hindi ko naman na iniexpect na makita ko pa siya. Alam ko rin naman kung nasan siya.

"I'm fine.", tipid na sagot ko at bahagyang tinapik ang balikat niya.

Bumati ako sakanila at ganon din si Xhia. Nagpasalamat din kami sa kanila dahil sa pinadala nilang foodtruck kanina, actually nito lang nila nalaman na dito sa Korea ang shooting namin for mv, nung una ay nagtampo sila dahil hindi man lang daw namin pinaalam agad but later on they showed us their support. Kung hindi foodtruck ang ipapadala nila everytime na may shoot kami ay puro pangontra sa lamig ang pinapadala nila para samin ni Xhia at sa mga staffs. But this is the first time na dumalaw sila ang huling kita namin ay dun pa sa hospital.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon