PERSLABSTORI 49

180 9 5
                                    

* Xhia's POV *

Pakanta kanta pa ako sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papunta sa dorm ng bangtan.

Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay eto na ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.

Naghaharutan ang mga paru-paro sa tyan ko at alam kong mamaya ay si Jin na ang makakaramdam nito dahil sa kilig pag nalamang mas pinili ko siya kaysa sa anupaman.

Exclusive ang location ng dorm nila kaya sa may gate lang ako nagpababa sa taxi.

Cover na cover ang mukha ko, mainit ang rumor about Jin's dating one of their back up dancer which is me kaya kailangang magdoble ingat.

Kahit mainit ay nilakad ko para lang makarating sa dorm nila, pero talagang siniswerte yata ako,

"Hop in", usal ni RM na ibinaba ang bintana ng backseat,

Hindi na ako nagpapilit pa at sumakay na rito.

"Saan ka galing?", tanong ko, nilibot ko ang tingin sa loob ng sasakyan pero tanging driver lang ang kasama niya.

"May inayos lang, anyways bakit di ka nagpasundo kay hyung?", tanong naman nito.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sakanya at napapakamot ulong tumawa naman siya.

"I want to surprise him". Pagkasagot ko nun ay tumango nalang siya at muling tinuon ang atensyon sa screen ng telepono niya.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng building ng dorm nila.

"Mauna kang pumasok, wag mo sasabihin sa hyung mo na kasama mo ko ah!", pakisuyo ko at tumango naman siya saka ginulo ang buhok ko.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng dorm, naunang pumasok si RM at ako naman ay nakikiramdam pa.

*Boogsh*

"YAH RM WHAT THE HELL?!", Nangibabaw ang boses ng sweetie pie ko pagkatapos nung malakas na tunog na parang may nabasag.

"Oops I'm sorry hyung! Just get a new glass of juice nalang hihi", malamang ay nabangga niya si Jin at nahulog ang basong hawak nito.

Dahan dahan akong pumasok at sakto namang nakatalikod siya sa gawi ko kaya nagmadali akong maglakad palapit sakanya at yakapin siya mula sa likuran na halatang kinabigla niya.

"Hi Hon..", malambing na usal ko.

Wala naman ang ibang members dito kaya paniguradong walang manunukso samin. Siguro ay nasa kani kanila itong mga kwarto.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sakanya saka ako iniharap sakanya.

"Nag iba yata ang ihip ng hangin? Di ka na galit sakin?", matamlay na sagot niya.

Bakit parang hindi siya masayang nakita niya ako?

"Don't you want me here? Usually ay niyayakap mo ko agad pero bakit ngayon ay parang wala kang gana?", nakangusong tanong ko at umiwas naman siya ng tingin.

"It's not that I don't want you here, pero kase we should be careful. Mainit ang mata sakin ng media because of the rumor about us. Paano kung may nakakilala sayo? Kung may nakakita sayong pumunta dito?", di ko malaman kung pag aalala ba or pagkainis ang tono ng pananalita niya.

"Look Jin, di naman ako engot para magpahuli. Besides I know what I am doing, nag iingat ako! Akala ko naman pag punta ko dito ay magkakaayos na tayo pero mali pala ang iniisip ko, you're acting weird!", di ko naiwasang pagtaasan siya ng boses na halatang ikinairita niya.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon