"Y-Yoongi", naiusal ko nung bigla niya akong hilahin para yakapin.
Sa totoo lang ay wala akong maapuhap na sasabihin hindi ko alam ang irereact ko matapos nyang sabihin yung ang mga yun.
Death threat?
"I'm sorry, I'm sorry.. God knows how much I care for you, I don't want to hurt you by saying those words but that's the only thing I can do para lumayo ka sakin. I'm sorry kung nasaktan kita, ayoko lang kasing mapahamak ka just because you are with me, just because you love me.", ang higpit ng yakap niya habang sinasabi yun, naamoy ko ang alak sa bibig niya pero natatalo yun ng amoy ng pabango niya na talaga namang kinakaadikan ko.
"You should have told me. Para alam ko, para aware ako, kase Yoongi nung oras na yun parang ikaw na rin ang pumatay sakin.". Usal ko naman habang patuloy na yung pag agos ng luha ko, napahawak ako sa laylayan ng tshirt niya dahil nanlalambot na ang tuhod ko,
Naramdaman niya naman yata yun kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang pisngi ko para punasan ang luha ko,
"I'm sorry, natatakot kasi ako. Don't think na hindi kita kayang protektahan because I can, it's just that natatakot akong saktan ka nila whenever I'm not with you. She's a traitor, she's insane. Hindi ko kaya pag napahamak ka, maimpluwensya ang family ni Hwana so I'm aware sa mga galawan niya, yun lang talaga ang tanging gusto niya para hindi ka niya saktan. Mas okay na yung ako ang saktan nila, wag lang ikaw because I don't know what to do with them if they hurt you". Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko,
T-Teka.
"Y-Yung araw na yon, kaya ba puro pasa at sugat ka ay dahil sa pakana ni Hwana? Y-Yung nangyari sa Han River? Siya din ba ang may kagagawan non?", nagtutugma tugma na sa isip ko ang lahat. At natiyak ko yun nung tumango siya.
"I can't believe she can do that". Napapailing na sabi ko at bukod sa galit ay takot ang nararamdaman ko.
"She's sick. Kaya gagawin niya kung ano ang gusto niya.", nabuhay muli ang takot sa dibdib ko, nagflashback sa isip ko yung nangyari sa Han River,
"N-Natatakot ako". Bigla ko nalang yung naiusal.
"You don't have to be scared. Kabisado ko na ang galawan nila. Just like what I did the last time, I will not let them hurt you.", hinawi ko yung kamay niya saka ko siya inirapan,
"Pero ikaw yung nananakit dyan? Psh", nagcross arm ako sa harap niya at tinaasan naman niya ko ng kilay,
"Tss. I've thought I already explained my side to you, but seems like you don't understand anything". Masungit na sabi niya at nilagpasan ako saka naupo ulit sa sofa at ipinatong yung ulo niya sa sandalan saka ipinikit yung mata niya.
"Wow, akala mo kase ganon ganon lang yon?! Hoy para sabihin ko sayo until now dala dala ko pa rin yung sakit na binigay mo! Baka akala mo mabubura yun just because you told me everything. No Yoongi! Nabawasan lang pero nandito pa rin--", natigil ako sa pagsasalita at lumapit sakanya,
Aba'y gago, hindi pa ko tapos magrant tinulugan na ko.
"Nakakainis ka talaga kahit kailan! Bwiset!", pagkasabi ko nun ay nagmadali na kong lumabas ng bahay na yon.
Sakto rin namang tumatawag si Xhia para sabihing bumalik na ko dahil baka hanapin na daw ako nila Cliff.
Geez, it's an exclusive village. Walang taxi dito kaya paano ako makakauwi??
Wala akong nagawa kundi bumalik sa loob ng mansion.
"Huy Yoongi! Gumising ka nga dyan! Pahiram naman nung kotse mo! Hindi ako makakabalik sa hotel eh!", tinapik tapik ko yung pisngi niya, sinamaan pa niya ko ng tingin saka umayos ng upo at tiningnan yung relo niya.
BINABASA MO ANG
Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"I didn't know your significance back then.. Back then I was contented with just looking at you.." - Min Yoongi, First Love 🖤