Pagmulat ng mata ko ay mukha niya agad ang bumungad sakin,
Kinusot kusot ko pa ang mata ko para tiyakin na siya nga ang nasa harap ko,
"What are you doing?", tatawa tawang tanong niya na parang pinapalabas ng tawang yon na mukha akong tanga sa ginagawa ko,
Bihira ko siya makitang nakatawa kaya di ko mapigilang hindi titigan iyun,
"Yah hajima! You're making me uncomfortable tss", saway niya na winasiwas pa sa harap ko yung kamay niya,
Naiilang naman akong umiwas ng tingin sakanya at nilibot ng tingin ang kwartong kinalalagyan ko,
Nasan ba ko?
Saka bakit siya ang kasama ko?Bumukas ang pinto at pumasok si Xhia, kasunod naman niya si Jin na may bitbit na tray na pagkain,
"Beh nasan ako?", tanong ko sakanya at akmang babangon sa pagkakahiga pero pinigilan niya ako,
"Sshhh wag ka munang bumangon at baka hindi pa bumabalik ang lakas mo hays kamusta na ang pakiramdam mo?", seryosong tanong niya na naupo pa sa tabi ko,
"Ayos naman! Medyo nanghihina pa ako pero bukod don ay wala ng masakit sakin", sagot ko sakanya at sinilip yung pagkain sa tray na bitbit ni Jin,
"Are you hungry?", nakangiting tanong ni Jin at sinignalan siya ni Xhia na ibaba sa table sa gilid ko yung tray,
"Ofcourse hyung, she's been sleeping since this morning.. what do you expect?", sarcastic na sabi ni Yoongi kaya sinamaan siya ng tingin ni Jin,
"Teka nga..Nasan ba ako? Saka anong oras na ba?", naguguluhang tanong ko sakanila,
Ang alam ko lang ay nawalan ako ng malay at hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas magmula non, at hindi rin pamilyar sakin ang lugar kung nasaan kami.
"Here on my apartment Gela, and it's already 8 in evening", nanlaki ang mata ko sa sinabi niya,
8PM na? A-Ang alam ko ay 11AM yung-- shet ilang oras akong tulog!
"We brought you to the hospital after mo magcollapse, sabi ng doctor ay masyado ka daw napagod kaya ka nanghina at nawalan ng malay, and he even advised you to take a rest. Tsk yan na kasi yung sinasabi namin eh masyado mong inabuso yung katawan mo. Saka isa pa..", napakunot pa ang noo ko nung itigil niya panandalian ang pagsasalita,
"A-Ano yun?", seryosong tanong ko,
"Sinabi niyang wag ka daw masyadong magkimkim ng kung ano man dyan sa puso mo, sinabi rin niyang baka isa sa dahilan ng pagcollapse mo ay dahil sa biglaang pagbreakdown mo kanina sa pag-iyak, Gela kung may problema ka pwede mo naman sabihin samin dahil handa kaming makinig at tulungan ka, kahit ilang beses mo ring sabihin saming okay ka na sa nangyari sainyo ni Zian ay hindi kami naniniwala dahil hindi iyon ang nakikita namin, pinag-alala mo kami kanina and even PDnim shed his tears nung makita ka sa kalagayang ganon. Gela wag mo na ulit gagawin yun! Kung ano man ang bigat ng nararamdaman mo ay iiyak mo lang, maiintindihan naman namin yon, at hangga't maaari ay wag mong ipunin ang lahat ng hinanakit dyan sa loob mo. Nahihirapan din kami na makitang ganyan ka kaya sana makinig ka samin! We are a family here, kung kailangan mo kami nandito lang kami okay!". Tutok lang ako sa sinasabi niya at nakita ko rin kung paanong magpatakan ang mga luha niya habang binibigkas ang mga salitang yun,
Sandali akong napayuko at pilit ipinapasok sa isip ko ang mga sinabi niya,
Ang swerte ko dahil kahit iniwan man ako ni Zian ay meron pa rin akong matatakbuhan at kahit ang tigas ng ulo ko at itinago pa sakanila ang anumang dinadala ko ay andyan pa rin sila.
BINABASA MO ANG
Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)
Fanfiction"I didn't know your significance back then.. Back then I was contented with just looking at you.." - Min Yoongi, First Love 🖤