PERSLABSTORI 47

203 11 1
                                    

Ilang araw na nang makabalik kami sa Korea.

Wala kaming schedule sa ngayon dahil tapos na ang tour ng BTS. But may hinahanda silang side track na alam ko ay lalapatan rin iyun ng choreo.

Pag gantong matagal kaming nakukulong sa dorm ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

Eto ba talaga ang gusto ko?

Walang ganap. At talagang magsilbing back up dancer nalang?

I know that it is already a break, ofcourse a female back up dancer of Bangtan Sonyeondan, who are we to complain?

Pero talagang dumarating ang araw na parang makukulangan ka.

Hanggang dito nalang ba kami?

Masaya na ba ko sa ganto?

Tumunog ang cellphone ko at nabuhayan ako bigla nung makitang tumatawag si Yoongi.

"Love", malambing na bungad niya,

Nakakatuwang nadadalas ang pagiging malambing niya, pero di pa rin talaga maiiwasang magsinghalan kami.

"Yes love, napatawag ka?", masayang tanong ko, namimiss ko na siya, simula ng makabalik kami rito ay hindi pa kami muling nagkikita.

"Let's go out, I'll pick you up by 5 PM so be ready". Napangiti ako ng malawak dahil finally magkikita na ulit kami.

"Where are we going?", pinilit kong wag ipahalata ang pagkasabik ko.

"I don't know", napataas ang dulo ng labi ko sa sagot niyang yun at parang napawi ang pagkasabik ko dahil dun.

"Where do you want to go ba? It's up to you, as long as I'm with you it doesn't matter with me where on earth you want to go.". Sabi niya nung matagal akong hindi nakapagsalita.

Bumalik ang ngiti sa labi ko at di maiwasang kiligin sa sinabi niya.

"Everywhere, as long as I'm with you too". Tatawa tawang sagot ko at tumikhim nalang siya.

Pagkatapos namin putulin ang tawag ay nag ayos na ko.

This is the first time that he asked me out, sa sobrang busy kasi ay hindi namin maasikaso kaya nakakatuwang ngayon ay inaya niya ako.

Dapat paghandaan ko to. Alas tres palang naman so I have 2 more hours to prepare.

Teka nga, nasan pala si Xhia? Paggising ko ay wala na siya sa kama niya at nakasalansan na rin ang kumot at unan niya.

Siguro ay nasa may living room lang siya, malabong umalis yun lalo na't di kasama si Jin.

Ang alam ko ay hanggang ngayon hindi sila ayos, kagabe nga lang ay naulinigan kong magkausap sila sa phone at iba pa rin ang pakikitungo ni Xhia sakaniya.

Buti natatagalan nilang mag away ng ganon katagal to think na hindi mo sila mapaghihiwalay pag magkasama sila.

Halos trenta minutos yata ang itinagal ko sa paliligo, namili ako ng susuotin and I end up wearing a white long sleeves polo dress, l've partnered it with a white low cut converse, itinirintas ko ang buhok ko saka ako nagsuot ng beanie,

Kaunting make up lang ang inapply ko sa mukha ko, konting spray lang din ng pabango and there you go.

Kinuha ko ang rattan sling bag ko na pinaglalagayan ng phone, face mask and wallet ko.

Saktong 4:45 PM nung bumaba ako sa living room, at nun ko lang nakita si Xhia.

"Oh may lakad ka?", tanong niya habang sinisipat ako, nakaupo siya sa couch habang may hawak na magazine.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon