'A-Ang ginaw'
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay nanunuot sa buto ko ang ginaw na nararamdaman ko,
"X-Xhia! X-Xhia!", magkasama kami sa kwarto samantalang magkakasama din yung tatlo sa isa pang kwarto,
Pilit kong ginigising si Xhia dahil hindi ako makabangon, namamaluktot ako sa pagkaginaw, nanginginin din ang baba at kamay ko,
Ginigising ko si Xhia para makisuyong pakihinaan yung aircon, madalas kasi ay tinotodo niya ito ng lakas, at siguro ganon ang ginawa niya ngayon dahilan para makaramdam ako ng sobrang pagkalamig,
Hindi ako makagalaw kaya hindi ko makita yung aircon, nasa may likuran ko kase ito,
Maging ang mga paa ko ay nanginginig na,
"X-Xhia!", mabuti nalang at nagising ko din siya,
"Y-Yes Gelah? Maaga pa ah? Bakit gising ka na?", bumangon siya at uminom ng tubig sa side table niya,
"A-Ahm p-pakihinaan naman yung aircon, giniginaw kasi ako", pakisuyo ko sakanya,
"What? Eh nasa pinakamahina naman ah? Teka-", tumayo siya at lumapit sakin, nagulat pa ako nung hipuin niya ang noo ko,
"Oh shit! Napakainit mo! Masama ba pakiramdam mo?", nag aalalang tanong niya,
"A-Ahm h-hindi naman, giniginaw lang talaga ako ng sobra", hirap akong magsalita dahil nanginginig sa lamig ang baba ko,
"Giniginaw ka ng sobra because you're sick! Wait me here", sabi niya na ikinagulat ko,
I'm w-what? I'm sick daw? Kakasabi ko lang kay Zian na hindi ako magkakasakit eh,
Pinatay niya muna yung aircon bago siya lumabas ng kwarto,
Pilit kong binabalot ng comforter ang katawan ko,
Ngayon lang ako nanlamig ng ganto,
Pagbalik ni Xhia ay may dala siyang planggana na naglalaman ng maligamgam na tubig at may hawak din siyang bimpo, at gamot,
Inabot niya sakin yung tubig sa side table ko at pinainom ng gamot, pagkatapos naman nun ay pinunasan niya ako ng maligamgam na tubig,
"Tingin ko na overfatigue ka", iiling iling na sabi niya,
H-Huh? Over fatigue?
Sinabihan ako ni Xhia na magpahinga na at siya na daw ang bahala sakin.
-
Nagising ako ng maramdaman kong may humaplos sa pisngi ko,"Oops sorry nagising kita, anyways wag ka munang magpractice ngayon ang taas pa din ng lagnat mo, ako na ang bahalang magpaliwanag sakanila", nag aalalang sabi niya,
Napaatras siya nung bigla akong bumangon,
"Don't worry Xhia kaya ko naman, sayang din yung isang araw na practice, look oh may lagnat pa din ako pero wala namang masakit sakin", nakangiting sabi ko sakanya,
Alinlangan siyang ngumiti, mukhang hindi siya naniniwalang okay lang ako
Tho hindi naman talaga ako okay, sinabi ko lang yun para hindi niya ko pigilang pumasok,
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko sa ginaw, at ang bigat ng ulo ko, pero hanggat maaari ay ayokong ipahalata iyun sakanya.
Inaya niya muna akong kumain para makainom daw ng gamot,
"Where are they?" Tanong ko nung mapansing walanh nag iingay,
Kadalasan kase ay maingay sa dorm dahil walang sawa ang kwentuhan nung dalawa, ni Hwana at Jena,
BINABASA MO ANG
Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)
Fanfiction"I didn't know your significance back then.. Back then I was contented with just looking at you.." - Min Yoongi, First Love 🖤