PERSLABSTORI 72

174 6 0
                                    

*Hachuuuu*

"Okay ka lang sis?", tanong ni Xhia habang inaayos namin sa fridge yung groceries na pinamili ni Hobi,

"A-Ah oo parang sisipunin lang ako", sagot ko sakanya at napailing naman siya.

"Nahawa ka na sa alaga mo". Sabi niya, alam kong pinamulahan ako ng pisngi na sana ay hindi niya mapansin,

Naalala ko nanaman yung nangyari sa kwarto niya. Aish!

"Malapit ng maluto to, gising ba si Yoongi?", biglang singit naman ni Jin na nakasuot pa ng apron,

"Ahm teka lang ichecheck ko". Tinalikuran ko sila at agad na tumungo sa kwarto.

Pagpasok ko ay hindi niya agad ako napansin dahil nakatutok siya sa hawak niyang notebook at may kung anong sinusulat dun,

"Dapat hindi mo muna itinititig yung mata mo, baka mabinat ka". Usal ko habang nakatayo sa harap ng kama niya,

"Thankyou", napakunot ang noo ko sa sinabi niya at sa biglang pagngiti niya,

It's a genuine smile na ngayon ko nalang yata ulit nakita sa mga labi niya.

"For what??", nagtatakang tanong ko at pilit na ngumiti sakanya.

"For taking care of me and for staying beside me, it means a lot to me". Nakangiti pa ring sabi niya at muntik pa akong mapaatras nung tumayo siya at unti unting lumapit sakin,

"D-Don't mention it--", hindi ko natapos ang sasabihin ko nung bigla niya akong niyakap.

"Despite of what happened between us in the past, of all people I didn't know that you're the one who I can rely on and will never leave me in times like . Thank you so much Gela". Natameme nanaman ako hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap sakin,

"T-Tara kumain na tayo para makainom ka na ng gamot", naiilang na usal ko na inilag pa ang tingin sakanya dahil para akong malulusaw sa titig niya.

"I'm fine. Wala na kong sakit", mayabang na sabi niya kaya naman agad kong sinalat ang noo at leeg niya,

Oo nga wala na siyang lagnat.

"Magaling yung nurse ko eh", kumindat pa siya sakin saka siya naunang lumabas.

Ibang Yoongi nanaman ang kaharap ko.

*Hachuuuuuu*

--

"Oh Yoongi buti magaling ka na". Saad ni Jin habang kumakain kami.

Kaming apat lang ang nandito, ako si Yoongi, si Jin at Xhia. Si Hobi ay umuwi rin agad kanina dahil tumawag ang parents niya and they want to see their son.

"Ofcourse magaling yung nurse ko", alam kong tumingin siya sakin pero di ko sinalubong ang tingin niya,

"Sa sobrang galing nga ni Gela, kinuha niya sayo yung sakit mo", tatawa tawang sabi ni Xhia na ikanakunot ng noo ni Yoongi saka nagtatanong ang tingin na bumaling sakin,

*Hachuuuu*

"E-Excuse me", tumayo ako at dumirecho sa cr.

Hinilamusan ko yung mukha ko, pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga dahil sa sipon na to.

*knock knock*

Nakarinig ako ng mumunting katok sa pintuan ng cr kaya inayos ko muna ang sarili ko bago buksan yun,

"O-Oh Yoongi", gulat na usal ko.

"Drink this", may dala siyang baso ng tubig at gamot na agad ko namang inabot.

Listen Boy, My PERSLABSTORI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon