Ginoo, yan ang bagay na tawag sayo.
Kulang na ngalang pagkamalan ko na ikaw si Juanito Alfonso.
Handang masaktan maipaglaban lang ang nararamdaman mo.Ikaw yung ginoo na tipong seryoso,
maalalahanin, sweet, marespeto.
Halos wala akong masabi sa pagiging mabuti mo.
Suyo ang bubungad pag ako'y nagtampo,
Kaya masasabi kong dinaig ko pa ang nanalo sa lotto...Ginoo, ang halaga mo ay walang kapantay,
ngunit sa iba ito ay hindi tunay.
Para sa kanila isa kalang bato sa daan.
Isang batong mapanakit at walang pakiramdam,
ngunit para sakin ikaw ay isang ginto...
Isang ginto na puro yaman ang nasa puso.
Isang ginto na 'di makikita ng isang tao,
kung pinagbasehan nila ay itsura mo...Ginoo, sa bawat pagaalala mo...
Lungkot ang palit nito.
Sa bawat pagmamahal mo...
Wala nang tutumbas sa mga hiling ko.Sa bawat pagikot ng ating mundo.
Oras ma'y patuloy parin ang pagtakbo.
Bilang ng tao'y madagdagan man ng libo-libo.
Pero isang tao parin ang pipiliin ko at ikaw 'yun mismo.Hangga't mayroong tayo...
Nandyan ang ikaw at ako.
Sayo lamang ang aking mundo.
Ikaw lang ang gustong makita pagmulat pa lang ng mga mata ko.
Ikaw ang paboritong toyo sa masarap na adobo.Ginoo, 'wag nating isipin ang mga taong hindi suportado...
Sa pagibig na binuo nating pareho.
Dahil una palang hindi naman sila ang samento at bato.
Na ating ginamit para mas tumibay ang ating sariling kastilyo.Ginoo, subukin man tayo ng mahabang panahon.
Sumobra man ang init at ambon.
Dumating man ang tamang panahon.
Sabay tayong lulusob ng may panandong at payong...Dumating man ang malakas na alon.
Mapunta man tayo kung saan paroroon.
Lumubog man ang ating relasyon.
Pipilitin parin ang TAYO ay muling makaahon at makabangon.Ginoo, sa dami rami ng p'wedeng titigan sa kalawakan.
Ikaw lang ang nagiisang buwan na tinitignan.
Habang ako'y nasa madilim ika'y aking pinagmamasdan.
At kung dumating na ang araw na ikaw ay lilisan.
At ako'y patuloy ng kalimutan...
Marahil ang maibibigkas nalang ng aking mga labi ay ang salitang...
Ginoo, paalam...
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
PoetryAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...