Sa dami rami ng tao sa mundo.
Bakit sa'yo tumingin ang mga mata ko.
Mga mata na laging hinahanap ang mga ngiti mo.
Mga ngiting nasa labi,
Mga ngiting 'di nakakasawang gawin,
Mga ngiti kahit may problema...Problemang mahirap malutas.
Malutas 'gaya ng isang lihim...
Isang lihim na pagibig.
Pagibig na nakakasakit! Nakakasakit dahil nagmamahal, nagmahal dahil mahalaga...
Mahalaga dahil nakilala.
Nakilala dahil nakita,
Nakita nang dahil sa liwanag.
Sa liwanag na nakakasilaw, Nakakasilaw na pagmamahal...
Pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kan'ya,
Sa kan'ya na 'di ka naman totoong mahal...
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
PoesíaAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...