ANG IYONG MGA TINGIN

37 14 0
                                    

Ang hirap pala kapag umibig ka...
Umiibig at umaasa.
'Yong tipong naramdaman bibigla-biglaan 'di ba?
'Yong tipong natitigan mo lang s'ya
may naramdaman na agad na kakaiba.

'Yong tipong na love at first sight ka.
Ang hirap palang umasa...
Umasa sa mga tingin n'ya.
Mga tingin na wala sayong halaga!
Umasa ako... na ganon din ang nararamdaman mo.

Na bigla ka nalang mahuhulog...
Mahuhulog sa isang kagaya ko.
Nagpauto kasi ako!
Nagpauto ako sa saglit na pagtingin mo.

Nagpauto sa utak ko na gustong ikaw ang iniisip ko!
Nagpauto ako sa puso kong minamahal ang bawat pagkatao mo...

Pero parang 'di na nakiki-ayon ang katawan ko.
Ayo'ko nang masaktan ang puso ko...
Ayo'ko nang pagisipin ang utak ko...
Dahil alam kong sa huli...
Pinapaasa ko lang ang sarili ko!

Nagiisip na 'di maaaring magkatotoo.
Umiibig sa taong 'di naman kayang ibalik ang pagmamahal ko.
Wala! Pinapaasa ko lang ang sarili ko...
Pinapaasa lang ako ng mga tingin mo.


















Mga Tulang KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon