Ps. Ito po ung pinaka una kong ginawang tula tungkol sa krass ko..hahahhah...Sa tagal tagal ng panahon ay nakilala kita,
at noong nakilala kita bigla nlang tumingin sayo ang aking mga mata,
mga mata na gusto laging ikaw ang nakikita,
nakikita kahit sa tunay o panaginip ay laging kasama, panaginip na walang hangganan laging masaya walang kalungkutan,
kalungkutan na sana di nararamdaman,
nararamdaman kapag kasama mo sya kaya ako eto nawawalan ng gana,
gana na magkakaroon ng pag-asa, pagasa na sana maging akin ka,
akin lang at hindi sa iba,
sa iba na sinasaktan ka lang at iiwan ng basta basta,
sana ako nlang,
ako na tanggap ka,
tanggap ka kahit sino ka, tanggap ka dahil mahal ka,
pero kahit na mag papansin ako, sa kanya parin ang tingin mo, tingin na dapat ay sa akin,
pero di naman ako magagalit kung sya ang pipiliin mo kase di lng nman ikaw ung nagmamahal eh kundi ung puso mo,
ung puso mo na iba ang laman at hindi ako,
ako na nagmamahal sayo,
pero wag kang mag alala sinasabi ko lang ang totoo,
totoo na sana kasinungalingan ang lahat,
lahat ng pagmamahal ko sayo, wag kang mag alalala Mahal lang naman kita!!!
oo mahal lang kita!
mahal na mahal lang kita!
Kaya sana wag kang magagalit kung mahal kita kase kagaya mo lang din ako,
kagaya mo lang ako na nagmamahal at di mapigilan ang puso,
kagaya mo lang din ako na umaasa na mamahalin ng taong mahal ko..
Minsan alam mo kapag dumadaan ako sa binababaan mo lagi akong sumisilip, sumisilip na sana makita kita pero wala kahit isang gamit mo wala,
wala ba talaga,
pero bkt..
bkt lagi nalang ganito nasasaktan na ako pero ayoko sumuko kasi di ako mahina,
ayokong sumuko kasi mahal kita, alam kong di ako ung tipong nagugustuhan mo,
pero wala ba talaga?
oo nga pala di nga pala ako ung tipong nagugustuhan mo, pasensya na kung nakalimutan ko,
nakalimutan ko...
kasi ikaw lagi ang nasaisip ko, pero ngayon narealize ko na, narealize ko na nawala talagang pagasa,
pagasa na maging tayong dalwa
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
PoetryAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...