Sa buhay, 'di mo alam na may mga taong handa kang lokohin,
handa kang pasayahin,
At may handa kang mahalin.Gano'n ba ako ka desperada
para 'di ko mapansin na ako'y niloloko mo lang pala?
Gano'n ba ako ka-t*nga kahit minsan ako'y ipinagpapalit mo na pala sa iba?
O ganun kita kamahal kaya kahit pansin ko na ika'y hinahayaan ko pa...Oo, tama!
Mahal na mahal kita!
Kaya hinahayaan kita 'di ba?
Kahit sa mga araw na ako'y laging nagiisa.
Ni minsan 'di kita pinapapunta...
Kasi alam kong busy ka sa iba.Sa mga araw na ako'y napapahamak ng dahil sa mga kagaguhan mong kasalanan.
Sa mga araw na iba ang 'yong kasama...
Sino pa ba?!
Walang iba kung hindi s'ya!Sa mga araw na kailangan kita... pero, 'di kita kasama.
At sa mga araw na hinahanap kita... ngunit, wala ka!Nasaan ka?
Nasaan ka noong mga oras na kailangan kita?
Ahh.... nakikipaglandian sa iba.
At sa mismong harapan ko pa talaga!Alam mo?
Mabuti nalang at mahal kita...
Kasi kung hindi baka iniwan na kita.
Noong lumapit ako sa'yo.
Ang sabi ko...."Umuwi na tayo."
Pero... ikaw 'tong mismong nagsabing "Sino ba ako?"Oo nga, sino nga ba ako?
Sino nga ba ako sayo?
Sino nga ba ako sa buhay mo?
Sobra akong nasaktan at napahiya dahil sa'yong ginawa.Nagtaka naman ako sa mga sinabi mo.
Naisip ko nagpapatawa ka lang siguro.
Kaya ako naman si t*nga
sumakay pa sa mga biro mo...Pero, anong napala ko?
Pinagtabuyan mo lang ako!
At hindi lang 'yun tinulak mo pa ko...Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko.
'Yung tipong parang isa lang akong multo na nagparamdam sa'yo..
'Yung tipong parang wala lang ako sayo...
Parang 'di tayo.
Parang 'di mo kilala kung sino ako.
At parang yoyo lang ako
kung maitulak mo.Nasasaktan ako sa mga ginawa mo..
Nasaktan ako nang dahil sayo!
Sinaktan mo ang isang kagaya ko...
Sinaktan mo ang isang taong minahal kang totoo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
ПоэзияAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...