BIYAHE

39 1 0
                                    

Kasabay kita nang sumakay ako.
Hindi inakalang magiging totoo,
Nangangarap lang na makasama mo pero ngayon nagkatotoo na'to...

Sa pagandar ng sasakyan,
Kay sayang pagmasdan...
Iba't-ibang tanawin sa kalye at daan.
Hanging humahampas,
sariwa't maaliwalas.
Sa bintanang bukas wari ba'y lumalakas...

Sa pagpreno ng sasakyan...
Bigla tayong nagkadikitan,
mga mata'y nagkatitigan at bigla din nag iwasan.

Kahit anong gawi'y 'di makapaglibang.
Mga mata ko'y ikaw s'yang tinutunton lang.
Pagtinitignan ka ako'y naiilang....
Ilang tingin na nga ang 'di ko mabilang.

"Makikisuyo po ng bayad..."
Nang magsalita ka sa'king gilid.
Nang mahawakan ang iyong palad,
Tuwa sa akin ang hatid.

'Ikaw talaga kupido magaling ka pumana ng tao,
pati naman ang feelings ko dinadamay mo.

Kailan kaya ako babatiin?
Ng puso mong 'di namamansin...
Ilang sulyap at pagtingin,
balewala sa'yong paningin'

"Manong, sa may kanto..."
Ito na nga ang kinakatakutan ko!
Ang maiwan mo ako...
Ang maiwan mo sa isang sasakyan na puno ng tao.

Noong una ayos pa...
Noong una masaya pa....
Pero bakit noong tumagal,
bigla nalang nawala?
'Yung tipong hindi ako pwede sa'yo...
Dahil iba ang landas mo.
Kaya 'di pwedeng bumaba kasama mo..
Dahil hanggang sabay lang talaga tayo...

Maaring nakasabay sa paglalakbay...
Ngunit, hindi panghabang buhay,
Na para bang sumakay dahil mahal pa...
at pumara noong suko na.

Gaano man kasakit!
Gaano man kalupit!
Kahit pa ilang saglit...
Talaga bang masakit?

Pumara na din ako,
Dahil hanggang doon na lang ako...
Parang ikaw at ako,
hindi p'edeng maging tayo....










Mga Tulang KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon