MANHID

31 13 0
                                    

Nakikita mo ba ako?
Nakikita mo nga ako pero 'di mo naman ako nararamdaman...
Para kang isang bato,
napaka manhid mo!

Nasasaktan ako kasi parang wala lang ako sa'yo.
Oo nga pala, wala lang ako sayo...
Kasi una pa lang 'di mo na ako gusto.
Pangalawa, wala namang ikaw at ako.
O mas magandang sabihing walang tayo...

Alam mo? Masaya ako kasi kahit pa paano nakikita-kita...
Kahit kasama mo s'ya.
Kahit alam kong nasasaktan na ako!

Kaya ko namang magbulag-bulagan para lang sa ikasasaya mo.
Kahit magkasama kayo habang hawak kamay...
Habang hinahalikan ang mga ito at sinasabing "masaya ako at nakilala kita"

Ang matamis na ngiti na nasa iyong mga labi na ang dahilan ay siya...
Ang pisngi mong namumula kapag kaharap mo siya.
Lahat ng iyon ang dahilan ay siya.
Kahit nung mga araw na magkasama tayo palaging siya...

Ayos lang para sa'kin.
ayos lang talaga...
Kasi iniisip ko ako nalang siya..
Ako ang nakahawak sa mga kamay mo.
Habang hinahalikan mo ang kamay ko.

Ako ang dahilan kung bakit sobrang saya mo.
Ako yung SIYA na pangarap mo...
Wala eh, mahal kita!
Wala akong karapatan na guluhin kayong dalawa

Kaya kahit sa panaginip ayos lang na maging SIYA!
'Yung SIYA na 'di ko mapapantayan...
Kahit alam kong SIYA ang mahal mo.
Kahit na alam kong nasasaktan na ako...

Hahayaan kong husgahan nila ako
Maranasan ko manlang 'yung SIYA na minahal mo.
Siguro nga, baliw na ako...
Baliw na ako sa'yo!
Nababaliw na ako dahil mahal kita.
Baliw na ako dahil mas pinili mo parin 'yung SIYA na ginagawa ka lang t*nga!

Mga Tulang KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon