BAKIT?

32 12 0
                                    

Bakit gan'yan?
Bakit gan'to?
Bakit paulit-ulit nalang?
Nakakasakit naman...

Umasa na naman ako!
Sa katulad mong kaibigan lang ako.
Pero ano?
Ano'ng napala ko?
Wala! Kasi iba ang mahal mo.

Ang sakit naman!
Sana... 'di ko nalang nalaman.
Dahil, kung tatanungin sobra akong nasasaktan!
Noong malaman kong...
Kayo ang nagkatuluyan.

Umaasa na naman ako.
Malabo talagang maging tayo...
Pero ano'ng magagawa ko?
Ikaw ang mahal ko.

Kahit sino pa ang isip-ispin ko, ikaw parin ang nilalaman nito.
Kahit sinong bukang bibig ko, kasali ka parin sa mga kwento ko.
Kahit sinong mahalin ko,
nangingibabaw ang pangalan mo...
Dahil kahit ilang beses kong limutin ang nararamdaman ko,
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin nito..


Mga Tulang KathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon