Mahal, tanda mo pa?
Tanda mo pa ba ang mga oras na
lumipas na tayoy magkasama?
Tanda mo pa ba ang mga araw
na tayoy masaya?
Mahal, tanda mo pa ba?Tanda mo pa ba ang taong minahal ka ng sobra?
Tanda mo pa ba ang masasayang ala-ala?
Mga ala-ala na binuo natin na magkasama.
Mahal, tanda mo pa ba?Tanda mo pa ba ang pinaiyak mo sa bawat gabi,
Tanda mo pa ba ang mga panlolokong iyong gawi?
Tanda mo pa ba?
Tanda mo pa ba ako?Ako na sinaktan mo!
Sinaktan ng husto...
Maaaring hindi na sapagkat mga ala-ala'y limot na,
dahil para sayo'y walang halaga.Mahal, sinaktan mo ako!
Pero,
wala eh, ako parin 'tong humahabol sa'yo.
Kahit anong gawing takbo ko,
pilit mong nilalayo ang sarili mo.Pero mahal, ngayon...
pagod na ako.
Pagod na akong maghabol sa'yo!
Pagod na akong umasa na
maaabutan pa kita...
Pagod na akong mahalin ka!Pagod na ako sa mga bagay na pinaghirapan ko para lang maging akin ka!
Pagod na ako...
Susuko na ako.
Susuko dahil pagod na ako...Susuko kasi nahihirapan na ako.
Susuko na para sa ikasasaya mo...
Sapagkat, mahal alam ko...
Alam kong hindi mo talaga ako ginusto.Alam kong pinaglaruan mo lang ako.
Alam kong hindi na magiging tayo.
Pero kahit kailan mahal hindi ako nagkulang.
Hindi ako nagkulang ng pagmamahal sa'yo...Nasayang lang ang lahat; panahong ika'y kasama.
Bawat araw na kapiling ka.
Bawat oras na pinaglalaban ka.
Minuminutong minamahal ka...Pero ngayon alam ko na.
Alam kong 'di na maibabalik pa!
Alam kong wala na talaga.
Tayo? Ang tayo ay wala na...Kaya, mahal...
Salamat sa lahat.
Sa lahat ng pagpapahirap.
Sa lahat ng lungkot at saya na naramdaman kong magisa.
Dahil alam ko mahal...Alam kong ako lang ang nagmahal sa'ting dalawa.
Mahal...
sususko ako, oo!
Pero, hindi ibig sabihin n'yon ay mahina ako!Susuko ako para sa'yo...
Para sa ikasasaya mo.
Para sa kagustuhan mo!
Para sa tao na totoong mahal mo...Ayoko nang makipagsiksikan.
Palagi din naman nasasaktan.
Kaya, mahal...
kasabay ng pagsuko ko ay ang paglimot ko.
Paglimot ko sa'yo.Sa nakaraang meron pang tayo.
Kaya sana 'wag mong pagsisihan ang mga ginawa mo.
Dahil baka sa huli magsisi ka...
At masaktan nang husto!
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
ПоэзияAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...