Umaasa...
Anim na letrang may mga taong naloko at nasaktan.
Mga taong wala namang kasalanan.
Mga taong walang ginawa kundi umasa lamang.Mga taong lumuha at lumaban...
Mga taong sumugal ng walang laban,
Sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan...
Sa isang bagay na maaari silang panghinaan at masaktan.
Sa isang bagay na kailangang isugal ang nararamdaman...Minsan nakakalito na!
Nakakalito nang umasa.
'Di mo kasi alam kung maniniwala pa sa pagasa?
Kung susugal pa ba?
Kung lalaban pa?
O ang pinakamahirap na paraan...
Kung susuko na.Susuko kahit masakit.
Masakit sukuan ang taong mahal mo,
Pero kung ito ang paraan para siya'y mapasaya mo...
Magagawa mo ba 'to?Kaya mo pa bang magsakripisyo?
Hindi lang para sa kan'ya...
Kundi para narin sa sarili mo.
Para mapalaya ang sarili mo.Mapalaya sa mga bagay na hindi p'edeng maging sa'yo...
Mapalaya sa taong pinaasa ang isang kagaya mo.
Mapalaya sa taong walang pakialam sa nararamdaman mo....
Sa nararamdaman ng puso mo.Sa nilalaman ng isip mo.
Sa mga bagay na pinaghirapan mo para siya'y maging sa'yo.
Para lang maging kayo...
Para lang may matawag na Kayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
PuisiAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...