Sa bawat oras ng pagibig.
Ano ba ang dapat sundin?
Ang puso na marunong maghintay kahit ilang saglit.
O ang isip na nagsasabing nakakapagod maghintay ng paulit-ulit.Ang oras ng pagibig ay mahalaga,
kung saan hindi mo kailangang maglihim pa!
Lalo na't 'di naman kailangan 'di ba?
Bakit 'di mo sabihin ang katotohanan....
Kahit na ika'y masaktan.
Kaysa naman makipagsiksikan,
Sa pag-asang wala namang pupuntahan.Maaring ika'y masaktan,
mayroon pa bang ibang paraan?
Ang puso ay nagmamahal lang naman,
At kailan man hindi 'to kasalanan.Oo! Maari maglihim...
Ngunit 'to ba ang makabubuti sa atin?
Malay mo iniintay ka lang din
na umanin,
Nang katotohanang siya'y mahal mo rin.Kung 'di man gan'yon ang maging itsura,
huwag na nating pagpilitan pa!
Tanggapin nalang natin, 'di ba?
Na walang tayo talaga...Kung 'di mapansin ang pagibig na nililihim...
Atin nalang limutin.
Nang 'di na masaktan ang ating puso't damdamin.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Katha
PoezieAng mga tulang nakapaloob sa librong ito ay hango ng aking isipan, sinamahan ko narin ng aking puso na may pinagaalayan. Kung hindi man magustuhan, pasensya na tao lang na nais makapag sulat ng matatalinhagang salita. Ang mga tulang ito ay alay ko p...