1. At The Theater

38.7K 458 15
                                    

SA LAHAT ng tao sa theatre, si Julienne ang may pinakamalakas na palakpak. Paanong hindi? Napakagaling ng performance ng mga batang ballerina. Sa magandang performance na iyon, pakiramdam niya ay pinapalakpakan na rin niya ang sarili niya. Siya ang nagturo sa mga bata na iyon.

Four years ago nang magsimulang magturo si Julienne sa Little Ballet School of Manila. Masasabi niya na hindi na bago sa kanya ang makita ang mga estudyante na maging successful sa mga performance. Pero kagaya pa rin noong una ang reaksyon niya. Masaya at proud na proud siya sa tuwing nakakapagturo siya. Kapag nakakita siya ng mga magagaling na bata. Kapag nakikita niya na masaya rin ang mga bata.

"A really good round of applause for these kids!" masayang wika ng host. "What a brilliant performance!"

Pati ang host ay nakipalakpak. Nagsitayuan ang lahat ng audience. Dahil hindi basta-bastang ballet performance iyon, hindi lang mga magulang ang nasa loob ng theatre. Malaki ang crowd. Malaki rin kasi at bago ang theatre. May sponsor o producer kasi sila para sa partikular na performance na iyon kaya nakahatak rin ng ibang audience.

"And lets give a round of applause to the person that made these all possible, Teacher Julienne!"

Napunta kay Julienne ang spotlight. Pinapunta siya ng host sa stage. Sumunod naman si Julienne. Sanay na siya sa ganoon. Pero kahit marami na rin beses na pinaggawa iyon sa kanya ay iba pa rin talaga ang pakiramdam. Lalo na at maya-maya ay pumila ang mga estudyante sa harap niya. May hawak-hawak na pulang rosas ang mga ito at isa-isang ibinigay sa kanya.

Hindi lamang si Julienne ang naging teacher ng mga bata dahil hindi lang naman iyon ang naging performance sa malaking event ngayon. Pero pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasaya sa lahat ng guro. Touched siya. Lumambot ang puso niya. Hindi rin niya napigilan na mapaiyak. Niyakap niya ang bawat bata at hinalikan isa-isa.

"Thank you, thank you, thank you." Bati ni Julienne sa bawat bata.

"Teacher, thank you rin po. 'Kita ko po si Mama kanina, ang saya niya po kanina. Proud po siya sa akin. Thank you po talaga, Teacher!" masayang bati ng huling estudyante ni Julienne na si Mylene.

Si Mylene ang paborito ni Julienne sa batch na iyon. Ito kasi ang pinaka-sweet sa buong batch. Pitong taong gulang rin ito. Sa klase, ito ang pinakatulad ng anak na si Julia.

Kung buhay pa ito.

Niyakap ni Julienne si Mylene. Mas mahigpit iyon kaysa sa iba. Gusto niya na kahit papaano ay maramdaman niya ang presensya ng anak kahit sa pamamagitan man lang ng kanyang estudyante. Missed na missed na niya ang anak. Kahit limang taon na itong wala, hindi niya pa rin na maggawang mag-moved on. Pero mabuti na lang at naroroon ang ballet school. Sa tuwing naroroon siya at nakakapagturo lalo na at puro mga bata ang estudyante nila, pakiramdam niya ay kasama rin niya ang anak.

Twenty five years old pa lamang si Julienne. Kung tutuusin, marami pa na puwedeng mangyari sa kanyang buhay. Hindi na dapat niya ginagawa ito---ginagawang outlet ang ballet school sa sobrang pagka-miss niya sa anak. Dapat ay lumaya na siya sa nakaraan. Napakabata niya pa para lamang manatili na stuck roon. Pero naging malaki rin talaga ang impact sa kanya ng pagkamatay ng anak niya noong dalawang taong gulang pa lamang ito.

Seventeen years old si Julienne nang hindi inaasahang mabuntis siya. Inisip niya noon na iyon na siguro ang magiging pinakamahirap na pagdadaanan niya sa kanyang buhay. Pinanagutan man siya ay naging mahirap tanggapin iyon para sa kanyang mga magulang. At kahit nga ngayon, pakiramdam niya ay dala-dala niya pa rin ang hirap na iyon.

Hindi sila ganoon in good terms ng mga magulang. Nakatira pa rin naman sila sa iisang bubong pero malamig pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Minsan na binigo niya ang mga ito...at hanggang ngayon ay masasabi niya na binibigo pa rin. Pinili niya na maging ballerina---kagaya ng pangarap naman talaga niya. Hindi iyon gusto ng mga magulang niya. Gusto ng mga ito na maging kagaya siya ng mga pinsan niyang sina Jazeel at Valeen na para sa mga ito ay matatagumpay. May kanya-kanya kasing business ang dalawa. Gusto rin ng mga ito si Clover na maganda ang puwesto sa isang magandang kompanya. Lahat ng mga pinsan niya na involved sa business, gusto ng mga magulang. Ganoon ang gusto ng mga magulang niya sa kanya. Pareho kasing businessman ang mga ito. Pero dahil wala siyang namana sa pagiging magaling ng mga ito sa larangan, pakiramdam ng mga ito ay isa siyang malaking failure.

The Past: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon