Flix's POV
"Flix.."
"Wake up Honey.." sabi ulit ng isang boses at napagtanto ko na yun ay si Mommy.
Inimulat ko ang mata ko at nakita ko na nakatingin si Mama sakin.
"Bakit Mommy?" sabi ko at umupo. Tinignan niya naman ako at nginitian.
"I miss you baby." sabi niya at hinalikan ako sa noo at napangiti naman ako.
"I miss you too Mommy." sabi ko at tumayo naman siya at may kinuha pagbalik niya ay may dala na siyang tray na may pagkain.
"Breakfast in bed. Niluto ko yan para sayo Anak." sabi ni Mommy at ngumiti ako sa kanya at kinuha yun.
"Thank you Mommy." sabi ko at kumain. Habang siya ay kumuha rin ng kanyang pagkain at kumain din.
Nang matapos kami ay agad ko yun na hinugasan. Nang matapos ko maghugas ay pumunta ako sa sala kung saan doon nakaupo si Mommy at nagbabasa ng libro doon. Tumabi naman ako at humiga sa lap niya. Napatingin naman siya sakin at itinigil ang pagbabasa at hinaplos yung buhok ko.
"Wala kang gagawin Mommy?" tanong ko at tumingin sa kanya.
"I free up my schedule today, gusto ko makasama ka." sabi niya at ngumiti, ngumiti naman ako pabalik.
"Talaga Mommy?" sabi ko at umupo ako ng maayos.
"Yes, I want to catch up with you honey." sabi niya at niyakap ako.
"Thank you Mommy."
"Gusto mo ba lumabas? Pumunta ng park?" tanong niya at tumango ako.
"Yes po Mommy."
"Sige, magbihis ka na."
Agad naman akong pumunta sa kwarto at nagprepare na.
Matapos ang mahigit 15 minutes ay natapos ako at lumabas na ng kwarto.
"Are you ready?" sabi ni Mommy na medyo natatawa.
"Yes Mommy." sabi ko at tumango naman siya.
"Halata naman na pinaghandaan mo baby." sabi niya at napailing ako.
"Sorry po." sabi ko at ngumiti ako.
"It's okay, you’re already teenager tama lang yon." sabi ni Mommy. "Tara na?"
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nagcling ako kay Mommy at lumabas na kami.
Paglabas namin ay andami nakabantay. Napatingin naman ako sa kanila. Nang maglakad kami ay nakasunod sila. Mayroon sa gilid namin ni Mommy tapos nasa likod namin ang iba.
Napansin ata ni Mommy na tinitignan ko yung mga sumusunod namin na bodyguard.
"May problema ba?" tanong ni Mommy.
"Wala naman Mommy. Bakit po parang andaming bodyguard Mommy?" tanong ko at ngumiti naman siya.
"Ganyan talaga, simula ngayon ay dadagdagan ang mga bodyguard mo na nagbabantay sayo." sabi ni Mommy at nakunot naman ang noo ko.
"Bakit po Mommy? Is there something wrong?" sabi ko at umiling naman siya.
"Wala baby, you just need to be secure. Kailangan lang natin maging siguro. Dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari." sabi ni Mommy at napatango na lang ako.
"Okay po Mommy." sagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang park.
Nang makarating kami doon ay medyo maraming tao.
Nagiikot ikot lang kami at nagtitingin tingin sa mga stall habang nagiikot ikot kami ay marami ring nagbobow sa amin ni Mommy at nagsesenyas naman si Mommy na ipagpatuloy ang mga ginagawa nila.
Iba talaga kapag mataas ang posisyon lalo na kung ikaw yung namumuno. I am so proud kay Mommy at nagawa niya yun lalo na nung wala pa ko sa tabi niya. Naalala ko naman si Daddy at yung huling paguusap namin. Hindi man lang kami nagkaayos bago kami pumunta dito.
"Kamusta na kaya si Daddy?" Wala sa sarili kong nasabi.
Natigilan naman si Mommy at napatingin sakin dahil sa nasabi ko.
"You miss already your Daddy?" sabi ni Mommy at napatingin ako sa kanya.
"Yes Mommy. Hindi man lang kami nagkaayos bago ako pumasok dito." sabi ko at tumango naman siya.
Pagkatapos non ay tumahimik siya. Ilang minuto pa ay hindi siya nagsasalita.
"Mommy." tawag ko at para naman ay natauhan siya. Ngumiti naman siya sakin.
"I love you Anna." sabi niya.
"I love you too Mommy. May problema po ba?”
"Wala, I miss you, and your Dad. The old him." sabi ni Mommy at parang may binulong siya sa huli na hindi ko naintindihan.
"Tara magikot ikot na tayo ulit." sabi ni Mommy, at naglakad na kami.
Nagtingin kami sa stall ng mga teddy bears at pinapili niya naman ako.
Nang makapili naman ako ay ipinakita ko kay Mommy yun.
"Ang cute, gusto mo niyan?" sabi niya at tumango naman ako.
Agad naman na binayaran yun ni Mommy at naglakad lakad na ulit kami.
"Do you enjoy our bonding Anna?" tanong ni Mommy at tumango naman ako.
"Yes Mommy, thank you kasi naglaan ka ng time para sa akin ngayong araw." sabi ko at ngumiti. "Thank you rin po dito sa teddy bear."
Ngumiti siya. "Mabuti naman naging masaya ka." sabi ni Mommy.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may biglang tumawag kay Mommy.
“Flixer." tawag ng isang tao na tumatakbo papunta samin, si tita Alicia.
"Bakit Alicia?" tanong naman ni Mommy at sumeryoso naman ang mukha ni Tita Alicia.
"I got a new report from our High Commanders." mahinang sabi ni Tita na tama lang para marinig ko at ni Mommy.
"What?” sabi ni Mommy.
"They currently having a plan." sabi ni Tita at sumeryoso naman ang mukha ni Mommy. "I think it's coming."
BINABASA MO ANG
Majikku High (Revise Version)
RomanceAre you a bender? Bender that releases a powers? If you are.. you are fit here. Because here we using powers like a benders do. But you have to be great and good. And here you learn how sacrifice a things to learn. And also to treasure people around...