Chapter 44: Already Back

6 1 0
                                    

April's POV

Nandito ako sa room at nakikinig lang. Nakafocus lang kaming lahat sa lesson lalo na si Flix.

"You shouldn't harm anybody by your powers that is the golden rule as I said for the past lessons." pangaral ng aming professor recalling our past lessons.

"Before our class end I want to announce that the final test will be occur soon."

After he said that kanya kanyang reaction ang mga bawat classmate namin. Even I get a bit shock. According sa mga students dito sa school, Final Test is the hardest test in the School Year.

"Hala malapit na pala."

"Ano naman kayang ipapaggawa ngayong year? nakakaexcite."

"Interesting thing."

"Can't wait."

"Ano na naman kayang challenge na yan."

"Kakayanin natin yan."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko.

"Okay that is all. Class Dismiss." sabi ng professor namin at agad na lumabas.

Tumayo naman kami ni Flix at nagayos ng gamit namin. After nun ay lumabas na kami at naglakad papunta sa dorm niya. Tahimik lang kaming naglalakad ng bigla siyang nagsalita.

"The final test." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm? Anong meron Flix?" sagot ko naman at saka bumalik yung tingin ko sa daan.

"I am a bit curious kung ano ang mga challenges na ginagawa nila." sagot niya naman kaya napatango ako.

Natahimik kami ulit kasi maski ako ay curious sa bagay na yun.

"We will know that soon."

****

"How are you Sweetie?" tanong ni Mama ng makita niya kong papasok sa office niya.

"I'm fine Ma. Ikaw Ma mukhang madami kang paperworks." sabi ko at iniscan yung mga papers na patong patong sa table niya.

"Ahh yes." sabay inat niya ng kamay at hinawakan yung batok niya.

Lumapit ako kay Mama at minassage siya sa balikat.

"You’re so tired Mama, pahinga ka muna kahit sandali baka magkasakit ka niyan." sabi ko at sumandal siya sa swivel chair niya.

"Thank you Sweetie." sabi ni Mama na ikinangiti ko.

Ilang minuto yung lumipas ay tumigil ako at umupo sa couch niya.

"Gusto mo ba lumabas? Kumain?" nakangiting sabi sakin ni Mama at tumango naman ako.

"Sure Ma. Bonding din natin yun."

Inayos niya naman ang gamit niya at saka kami lumabas at naglakad papunta sa Cafeteria ng mga High ranked officials dito sa school.

Nagpaserve siya ng mga kakainin namin. Habang hinihintay namin ang pagkain ay masaya kaming nagkwekwentuhan ni Mama.

"Kamusta naman kayo ni Jake?" tanong ni Mama sakin at ngitian ako ng nakakaloko.

"Okay lang po kami getting stronger naman po Ma. Masaya kaming dalawa." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Mabuti naman. Mabait talaga si Jake at maalaga. Bagay kayo, at halatang masaya ka anak. Sa mga mata mo pa lang kapag pinaguusapan siya ay halata kong masaya ka." sabi ni Mama and she genuinely smile at me.

I'm really glad na pumayag si Mama tungkol sa amin ni Jake nang malaman niya na officiall kami na. Masaya nga siya para sa amin. Hopefully na naging malapit si Mama kay Jake at suportado kaming dalawa ni Mama. Paano kaya.. nevermind.

"Are you listening Joy?"

Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Mama. Nandito na pala yung pagkain namin at nakahain na sa plato ko.

"Yes Ma, Ano nga ulit yun?" sagot ko sa kanya.

"I'm asking if you have a training for this day?" paguulit niya.

"I don't have a training for now Ma, Pahinga muna daw kami." sagot ko at tumango naman siya.

Pagkatapos namin kumain ay agad nagpaalam na si Mama dahil may gagawin pa siya. Agad akong dumiretsyo sa dorm ko at humiga para matulog.

****

"April.."

"April.."

"Hey April are you not going out?"

Pagtawag at pagtanong sakin ni Jake pero hindi ko siya sinasagot kasi busy ako sa pagsesearch sa phone. Tinignan ko siya at nakapout siya, binalik ko naman ang tingin ko sa phone ko.

"Hindi mo talaga ako papansinin? Tinotopak ka na naman ano?"

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"W-wala ah. J-joke lang." sabi niya at ngumiti siya sa akin. Napairap na lang ako sa sagot niya.

"Tinotopak talaga." narinig kong bulong niya.

Tumayo ako at nagayos. Nang matapos ako ay binalikan ko siya sa sala.

"Tara na." sabi ko at tumingin siya sakin na halata mong tuwang tuwa dahil sa sinabi ko.

"Yes! Tara na baka magbago pa isip mo mahirap na." sabi niya at hinatak ako palabas siya na rin yung naglock ng pinto. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

****

Naglalakad kami dito ngayon dito sa park ni Jake. Masaya kaming nagkwekwentuhan.

"Gutom ka na ba?" tanong niya sakin at pinaupo ako sa isang bench at umupo din naman siya.

"Medyo. Ikaw gutom ka na ba?" sagot ko sa kanya.

"Medyo rin, Bibili lang ako ng pagkain ah diyan ka lang. Wait me here I will be back." sabi niya sabay wink sakin. Napangiti ako dahil sa ginawa niya.

Agad naman siyang umalis at nilibot ko lang ang paningin ko habang hinihintay ko siya bumalik. Hindi gaanong maraming tao ngayon mabuti iyon.

Ilang minuto lang ay bumalik na siya na may dalang pagkain.

"Ito na. Kain na tayo April." sabi niya at ngitian ako at binigyan ako ng pagkain kumuha din siya ng kanya at kumain kaming dalawa.

"Thank you dito." sabi ko sa kanya sabay ngiti ko at ngitian niya lang din ako.

"Always welcome."

"I love you."

"I love you too."

I am so lucky with this guy. He is so caring and the more na tumatagal kami ay the more na minamahal ko siya. I am happy with him.

Nang matapos kami ay nagpahinga at naglakad lakad kami nang mapagod ay nagaya na siya na bumalik sa dorm ko.

"April may pupuntahan pa ako diba?" tanong niya sakin at inisip ko kung may sinabi siya sa akin at naalala ko na meron nga.

"Oo nga malalate ka na ah?" sabi ko at tumango naman siya.

"Alis na ko." sabi niya at hinalikan niya ko sa pisngi.

"Ingat ka take care." sabi ko.

"You too, take care." sabi niya at umalis na.

Nilock ko na naman ang pinto at pumunta ako ng kwarto at humiga sa kama.

Naalala ko namang naiwan ko yung phone ko at kinuha ko yun. May 1 unread message.

From: Arwin

He is already back.

Majikku High (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon