Chapter 61: Make Things Right

10 1 0
                                    


Flix's POV

Wala akong gagawin ngayon at gusto ko maglakad lakad sa park, lumabas ako at sinabihan ko ang Head Commander na pupunta ako sa park kaya sinamahan nila ako.

Naglalakad-lakad lang ako sa park nang makita ko si Arwin kasama yung babae, nakita ako ni Arwin kaya naman lumapit sila sa akin. Tumingin ako nang blangko sa kanila habang si Arwin ay ngiting ngiti.

“Hi Flix.” Sabi niya at ngumiti.

“Mauna na ko.” Sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan niya ko.

“Wait, I want you to meet her.” Sabi niya pertaining doon sa babae.

“You girlfriend right?” he seems shock.

“Girlfriend? Hindi ah!”

“Hmm, kaya pala Mine tawag mo sa kanya?” tango ko naman.

“Mine is her name. Her name is Angel Mine Lopez, and she is my cousin. Hindi ko siya magiging girlfriend kasi pinsan ko siya. Kung tatanungin kung bakit kami magkasama at sweet, sweet kami simula bata pa kami. Kababalik niya lang dito sa Majikku High nung nakaraang buwan at ako ang naatasan na bantayan siya. Hindi ko akalain na nagseselos ka sa pinsan ko kaya iniiwasan mo ko.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil all this time nagseselos ako sa pinsan niya? Bakit ba kasi hindi ako nagtanong?

“Hi Flix. It's a pleasure to meet you.” Sabi ni Mine at inilahad ang kamay niya.

“Hello. I’m sorry for inconsideration to ask.” Sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

“So okay na tayo?” sabi ni Arwin at tumango ako.

“Better.” Sabi ko at ngumiti.

“Tara ikot ikot tayo?” sabi ni Mine at ngumiti ako.

“Tara.”

Maglalakad na sana kami nang may naramdaman ako na kakaiba. The next thing I knew there is a blade pointing on my neck and my other bodyguards is lying on the ground.

“Too Slow Idiots.” Sabi nung lalaki na may hawak na spear na nakatutok sakin.

Nagulat naman ang mga Bodyguards at sila Arwin.

“Bitawan mo ang Young Head!” sabi ng Head Commander ng bodyguards ko.

“Paano kung ayaw ko? Hindi niyo ko kaya.” Sabi ng lalaki

“Bitawan mo si Flix, Akuno.” Nagulat naman ako nang dumating si Mommy kasama si Tita Alicia, Sir Shiro at Sir Seiko.

“Flixer.” Sabi nung Akuno.

“Wag mo idamay sa gulo natin ang anak ko.”

“Oh, a mother wants to save her child from her death.”

Pagkatapos sabihin yun ni Akuno ay naramdaman ko ang pagdiin ng talim ng spear sa leeg ko kasabay ng paghatak sakin ng isang tao at nakita ko si Mommy na sinugod si Akuno.

“Flix, okay ka lang?” alalang tanong ni Arwin, siya yung humila sakin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat ko sa mga pangyayari. Tumingin ako kung nasaan ngayon sila Mommy. Naglalaban ngayon si Akuno at Mommy habang sila Tita Alicia, Sir Seiko at Sir Shiro ang lumalaban sa mga kasama ni Akuno. Ngayon ko lang napansin na marami pala sila at lahat ng nasa park ngayon ay nakikipaglaban. Bigla naman dumating sila April at Jairo.

“Flix! Okay ka lang?” tanong ni April nang makalapit sa amin.

“S-sino sila?” tanong ko.

“Shadows.” Sabi nila at nagulat naman ako.

Ito ba yung sinasabi nila? Kaya ba marami akong bodyguards?

Magtatanong na sana ako ulit nang biglang may akmang sumaksak sakin ngunit nadepensahan ako ni Jairo gamit ang isang spear at tinulungan naman siya ni April. Bigla naman ako hinatak ni Arwin paalis doon. Nang huminto kami ay may inabot siya sakin na spear.

“Hawakan mo yan pangprotekta mo sa sarili mo.” Sabi niya at tumango naman ako.

Biglang may sumulpot  na shadow at kinalaban yun ni Arwin. Kaya naman mag-isa na lang ako. Maya maya pa ay biglang may lumapit sakin na babae at tinangkang saksakin ako ngunit dinepensahan ko ang sarili ko gamit ang binigay ni Arwin na spear.

Patuloy lang ang pag-atake niya at patuloy lang ako sa pagdepensa sa sarili. Ngunit may biglang sumaksak sa likod ko kaya napasigaw ako sa sakit. Sasaksakin na rin sana ako ng kalaban na sa harap ko ngunit umiwas ako.
Hinugot ko ang spear na nakasaksak sa likod ko at muli akong napasigaw sa sakit. Sinugod naman ako nung dalawang kalaban ko at agad kong dinepensahan ang sarili ko, dahil nga dalawa sila ay may mga galos ako na natatanggap.

Nung nagkaroon ako ng chance na atakihin sila ay inatake ko sila at nasaksak ko yung babae habang iniwasan ko ang atake ng isa.

Nabigla naman kami nang biglang may sumigaw.

Napatingin kami sa pwesto ni Akuno at nila Mommy. Nakahiga si Akuno habang nakabantay sa kanya sila Mommy.

Bigla naman lumapit kay Akuno ang mga shadows at nagsimula na sila tumakas.

Nang mawala na sila ay lumapit sakin si Mommy.

Naramdaman ko naman ang sakit ng sugat ko as I pass out.

Majikku High (Revise Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon