Chapter 1: The Enchantress
Ariea P.O.V
"Isang bangkay ang natagpuan sa abandonadong establisyamento sa Trafalgar Square ngayong umaga. Pinatay at sinunog ang katawan. Matutukoy agad kung sino yung suspek kaya agad umaksyon ang AMO o ang Assasination of Metahumans Organization."
Sinuot ko yung headphone at patuloy pa rin sa paglalakad patungo sa paaralan. Walang nagbabago, ganun pa rin ang daloy sa mga pangyayari ngayong umaga. Mga taong nag-aabang sa walang kwentang balita. Sa mga nagchichismisan tungkol sa walang kwentang bagay. Mga walang kwentang taong nakasalubong ko ngayon. Maging ako rin wala nang kwenta ang buhay ko sa mundong ito o sasabihin ko ang mundo nila.
"Head of AMO, Mr. Deziel Augustino live ngayon. Anong masasabi mo tungkol sa sinunog na katawan? Siya ba ay kauri natin o baka naman isa siyang meta?"
"Ang masasabi ko tungkol d'on ay sana mamatay na ang tribo ng mga fyr. Hindi lang sila pati na rin ang ibang tribo. At yung bangkay... isa siya sa atin."
"Sa ngayon, anong tribo ang mas aktibo Sir Deziel?"
"Ang fyr pa ang laging nagpaparamdam ngunit hindi natin alam na baka umaksyon ang Electricus, Erthe, Waeter at Aer."
"Sa mga mamamayan na nag-aabang sa balita ngayon, anong imemensahe mo sa kanila?"
Napahinto ako kung saan maraming tao nagtitipon dahil sa mainit na balita. Tumingin din ako sa screen at saktong ibinaling ng lalaking nasa screen ang kanyang mga mata sa camera. Tuloy mukhang nakatingin ito direkta sa aking mga mata.
"Beware. Soon they all gonna die." Naghihiyawan ang ilan sa mga tao na para bang nanalo. Napakuyom ako tsaka yumuko upang itago ang pagngisi ko. Hindi ako natatakot at wala akong dapat ikatakot sa kanya. Human are so weak. They can be rid easily but it's risky to make an action especially when I'm only one.
"Dapat nga mamatay na sila sa madaling panahon!" Sigaw ng lalaki. Napairap na lamang ako at humakbang na. I should not waste my time because of their stupidity. Nawalan ako ng ganang pumasok sa paaralan kaya dumiretso na lamang ako sa karenderia kung saan ako nagpapapart-time. I don't really need to go to school because we have an ability to absorb their knowledge which we called it "Knowledge Absorption" but I just need to act like them and one of them. Mabait naman ang mga kasamahan ko sa trabaho, palakaibigan pero ayaw kong makipagkaibigan sa kanila. Pagpasok ko sa loob nakatingin ang ilan sa akin dahil na rin sa tunog mula sa pinto. Dumiretso lang ako sa kusina at kinuha ang apron mula sa bag ko.
"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ng isang babae malapit sa aking tinatayuan. Hindi ko siya kilala hanggang ngayon pero alam ko na katrabaho ko siya rito. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya. Pumwesto na ako sa harap ng mga pagkain para mag-serve. Wala gaanong bumibili ngayon kaya ilan sa kasama ko ay nagpapahinga.
"Narinig mo ba yung balita ngayon?"
"Tungkol sa sinunog? Oo narinig ko 'yun!"
"Kawawa 'no? Dapat mabigyan siya ng hustisya."
"At dapat din mamatay na yung mga fyr."
"Baka hindi fyr yung pumatay."
Agad ako napalingon sa huling nagsalita. Nakaupo ito malapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tanging ang mapapansin lamang ay yung ginto niyang buhok hanggang balikat at puting dress na suot niya.
"Baka tao lang 'yun. Frini-frame up lang ang mga fyr," sabi pa niya at makikita sa kamay niya na may hawak na kubyertos. Napatango yung ilan pero may isang matandang lalaki biglang tumayo at lumapit sa babaeng nagsalita kanina. Makikita sa kanyang mukha ang galit.
BINABASA MO ANG
Phenomenal
FantasyIsang mundo inihati ng dalawang kaharian. Ang Kaharian ng Kellan, matatagpuan sa silangang bahagi ay naninirahan dito ang mga hindi ordinaryong tao o tinatawag na mga Metahumans. Kunti lamang sila pero may taglay silang kakayahan. Kaya nilang makaga...