Chapter 11: Essential Info
Third Person P.O.V
"Sir, narito na po ang hinahanap niyo." Napatingin sa may pintuan ang isang lalaki na kumportableng nakaupo sa kaniyang executive chair. Makikita sa kaniyang mapuputing buhok na palatandaan na siya ay matanda na, ang misteryong maiitim niyang mga mata, matangos na ilong, meron nang namumuong bigote sa kaniyang mukha at maputi niyang balat. Kahit matanda na ito hindi pa rin nababakas ang paghihina niya dahil sa malusog at naglalakihang pangangatawan.
"Papasukin mo." Utos ng matandang lalaki sa nagsalita kanina na isa sa mga alagad niya. Tumango ito at may ipinasok sa opisina. Ito ay nakatatandang lalaki may tali sa kamay. Nanginginig ito at nagdadalawang tumingin sa lalaking kaharap niya ngayon.
"Norman Diaz? Ikaw ba ang nag-adopt sa batang babae na nawawala? O sabihin natin ang hinostage ng mga metahumans?" Daling-dali ito tumango.
"Sino siya? At anong koneksyon niya sa mga metahumans?" Pagpatuloy niya pa. Napatikhim muna ang dinakip na lalaki at napatingin ito sa mata ng kaharap niya.
"Si-si Medea, ang pangalan ng batang babae. Pitong taon na kami nagsama at itinuri ko na siyang anak ngunit," Nagdadalawa-isip itong sabihin sa kaniyang kausap pero sinabi niya pa rin huli. "Ibinenta ko siya sa aking kaibigan."
"Sino? At bakit?"
"Si Warren Dominguez, may-ari ng isang sikat na bar: Bear and Beats. Gipit na ako at hindi ko na alam saan kukuha ng pera kaya ibinenta ko na lamang si Medea sa kaniya pero bago 'yun nangyari. May nalaman akong kakaiba sa batang babae." Lalong nakuryuso ang kausap niya kaya seryoso itong nakikinig sa lalaki.
"Dahil sa pagtataka ko kung ba't di siya tumatanda. Seven years na kami nagsama at siyempre idiriwang namin taon-taon ang kaniyang kaarawan pero parang may di normal, mukha pa rin siyang batang tignan o sabihin natin nakakulong siya sa katawan ng 10 years old. Lalo pa akong nagtataka nung may nakita akong mga kakaibang likido sa kaniyang cabinet. May mahabang metal na stick at kakaibang klaseng libro. Tungkol pala sa libro, nandun pa rin sa bahay ko pwede ko ipakita sa 'yo kung anong laman dun. Alam ko kakaiba siya," Maluha-luha na ang lalaki dahil sa mga sinabi niya. "Ang bobo ko naman na ibinenta ko siya sa kumpare ko sa halip na ibibigay ko siya sa inyo. Wala na talaga akong pera at hindi ko na alam kung anong gagawin. Patawarin mo po ako ginoo." Napahinga ng malalim ang kaharap niya tsaka tumalikod. Napaisip siya nga ang bobo talaga ng kausap niya. Kung ibinigay niya na lamang ang bata sa kaniya baka nakatanggap na ang lalaki na higit pa sa limang libo. Napacross ito ng kamay at paulit-ulit napabuntong hinga.
"Mr. Augustino?" tanong pa ng alagad niya na kanina pa hinihintay ang decision ni Deziel Augustino. "Anong gagawin natin sa kaniya?"
"Mr. Diaz, sad to say but arrest him immediately." awtoridad niyang sabi sa alagad. Tumango ito at kinaladkad ang dinakip na lalaki papunta sa labas upang makulong ito. Panay naman ang pagpuwersa sa lalaki dahil hindi siya sumang-ayon sa sinabi ni Augustino ngunit nabigo parin ito sa huli.
"Mr. Augustino?! Wag po! Mr. Deziel Augustino maawa ka!"
Dahan-dahan nawala ang ingay dahil nakalabas na sila sa mismong opisina. Pabagsak nakaupo si Deziel at malalim ang kaniyang iniisip. Hindi niya alam kung patuloy niya bang hanapin ang batang babae o hindi. Nagdadalawang-isip naman siya kung maniniwala ba siya sa mga sinabi ng lalaki 'yun. Agad siya napatayo at kinuha ang kaniyang overcoat mula sa suit stand. Plano niyang pumunta sa bahay ni Diaz para makita ang librong sinasabi ng lalaki ngunit napahinto siya ng biglang may pumasok na isa sa kaniyang alagad.
"Mr. Augustino, hinahanap ka ng hari."
******
Napapikit si Augustino at napabuga ng malalim na hinga. Dumilat siya sabay naman sa pagbukas niya sa pinto.
"Mahal kong hari," yumuko siya kunti pagkatapos umayos na ng pagtayo.
"Hinahanap mo raw ako?"Sumipsip muna ng alak ang hari bago ibinaling niya ang kaniyang tingin sa bagong dating.
"Ah Augustino! Mabuti nakapunta ka agad rito." Masayang bati ng hari sabay tumawa. Tumango lamang si Augustino at lumapit sa kinaroroonan ng hari.
"May ipapakita ako sa 'yo mamaya pero ipakilala ko na lang muna siya sa iyo ngayon." Tumikhim ang hari sabay naman pagpahid niya ng serbiliyeta sa kaniyang labi. Ibinaling niya ang kaniyang tingin ni Augustino na wari'y makapanindig balahibo dahil sa lalim at seryoso nito.
"Ignatius, isang fyr. Nahuli namin siya sa panahong himagsikan sa Kenya at Blyana. Nakakulong pa rin siya sa Bartolina. Wag kang mag-alala hindi siya makatakas agad dun dahil mahigpit ang nagbabantay run." wika ng hari. Nagugulumihan si Augustino dahil ba't ngayon niya lang nalaman tungkol sa nadakip at ba't ipinakilala ng hari ang isang fyr. Kahit mayroong namumuong katanungan sa utak ng matandang lalaki hindi pa rin siya nagsasalita at hinintay niya na lamang ang sunod na sasabihin ng hari.
"Siya ang sagot sa ating katanungan. Siya ang susi para hindi na magkagulo ulit ang Blyana. Siya lamang ang makatalo kay Ariea Demonique at sa ibang tri-" Hindi na nakayanan ni Augustino at naputol niya ang sinabi ng hari.
"Sa maikling salita, papalayain mo si Ignatius para hanapin si Ariea. Sir pagkatiwalaan ba natin siya? Kami na lang po maghanap ni Ariea." giit pang sabi ni Augustino. Umiling naman ang hari at napatingin sa ibang direksyon.
"Hindi pero gusto ko lang makita kung paano niya gagawin ang aking kahilingan at ba't siya sumang-ayon. Nararamdaman ko na may karaniwan kami sa isa't isa." Gumuhit ng ngiti sa labi ng hari.
"Hayaan natin kung anong gagawin ni Ignatius. Kung trumaidor siya sa atin, alam niyo na ang gagawin." maawtoridad pang sabi ng hari. Tumango na lamang si Augustino at wala ng balak makipagtalo sa hari dahil nabuo na ang desisyon ngunit meron siyang nararamdam na hindi maganda.
Lumabas na si Augustino sa kaharian at pumunta na sa bahay ni Diaz. Siya lamang mag-isa maghanap sa librong sinasabi ni Diaz. Inuna niya muna ang kwarto ni Diaz at hinahalughog ang bawat drawer at cabinet ngunit napahinto siya ng may marinig siyang kaluskos sa ibang kwarto. Dahan-dahan siya naglakad at tahimik niyang kinuha ang baril mula sa kaniyang gun case. Lihim siyang tumingin sa kwarto at mayroon siyang nakitang isang babae na puro itim ang kasuotan pati ang magulo nitong buhok at ang labi. Meron din siyang nakitang isang lalaki may hawak na libro. Baka iyon yata ang sinasabing libro.
"I guess that kid is an enchantress." sabi pa ng babae at napahalakhak. Inilibot niya ang kaniyang tingin kaya agad napatago si Augustino. Hindi muna siya umaksyon at hinintay niya lamang ang sunod na pangyayari.
"And I guess Heinrich will get mad hearing our news." Agad nagtaka si Augustino ng marinig niya ang pangalan 'yun.
"Heinrich? Ang hari?" bulong nito sa sarili. Patuloy parin siyang nakinig sa dalawang nag-uusap.
"Indeed Ryott. But to think of it kunti pa lang sila. They're no match for us. Habang narito pa si Heinrich wala silang kalaban-laban at mapapasaatin rin ang dalawang kaharian. Naawa naman ako sa tao dahil wala silang kamalay-malay. How sad and thanks to Augutino pakunti-kunti na rin ang mga generals at ang kanilang comrade." Halos hindi na makahinga ng maayos si Augustino dahil sa kaniyang naririnig. Hindi ito makapaniwala at maraming tumatakbo sa kaniyang isip
"Look we should go now." sabi pa ng lalaki na si Ryott daw. May abong lumabas sa kanilang katawan at pareho silang nawala. Napahinga ng maluwag si Augustino at daling-dali lumabas. Hindi niya na alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung ang dalawang 'yun ay kasabwat ng hari. Hindi niya alam kung patuloy pa rin ba siyang papanig sa hari.
-----------------------
Like×Comment
BINABASA MO ANG
Phenomenal
FantasíaIsang mundo inihati ng dalawang kaharian. Ang Kaharian ng Kellan, matatagpuan sa silangang bahagi ay naninirahan dito ang mga hindi ordinaryong tao o tinatawag na mga Metahumans. Kunti lamang sila pero may taglay silang kakayahan. Kaya nilang makaga...