Chapter 6: The Unknown Girl

26 25 0
                                    

Chapter 6: The Unknown Girl

Callista P.O.V

"May oras ka pang maglibang dito no?" inis kong sabi. Tumawa naman si Lars. Aba! Loko-loko talaga. Mas gugustuhin niya pang magsaya sa mga babae rito na halos maghubad na. Gosh hindi ko naman sinasabi na nagseselos ako dahil may oras pa siyang magsaya. If I were him I choose to brutally kill those uncultured swine who framing us up.

"E kasi saa-"

Nagulat na lamang ako na biglang na out of balance si Ariea kaya agad ako napalingon. Maging sila ring tatlo. Mas lalo pa akong nagulat na mayroon na palang siyang kayakap base sa nakapulupot na mga kamay sa kaniyang likod. Hindi ko alam kung sino 'to dahil nakayuko ito. Tama yata ang sinasabi ni Lars.

"Ano?"

"Picadilly, known for the city of dreams."

"What?"

"Alam mo na. Makaka-experience ka what most teens what to do in their life. Makikita mo sa daan ang mga babaeng sobrang sexy. Mga naglalasingan sa tabi. You can experience night life and more activities. Do drugs. Build sororities and fraternities. May times nga hablutin ka na lang bigla dahil he/she wants to do sexual stuff on you. Nasa sa'yo na kung papayag ka o hindi."

Parang nangangati ka na girl a. Hinigpitan niya pang niyakap si Ariea. Tinignan ako ni Ariea ng what-to-do-look. Binigyan ko siya ng gesture na bitiwan siya. Grr nakakainis ka na girl a kung sino ka man. Ginugulo mo ang journey namin. Humakbang na sana ako ngunit napahinto ako nung nagsalita siya.

"Please save me." Dinig ko pang mga salitang binibitawan niya para kay Ariea. Maging siya rin ay nagulat din. Bumaling ako sa babaeng kayakap niya at tinignan siya ng mabuti. Kahit nakaside-view ito inobserbahan ko siya ng mabuti simula sa malaginto niyang buhok. May kunting sugat sa kaniyang ilong at namumutlang labi. May sugat din sa kaniyang pisnge. Napalaki na lamang ang aking mata ng makita ko ang symbolo sa kaniyang leeg. Tinignan ko agad ang kaniyang daliri kung nandoon ba ang hinahanap ko.

"Hoy babae! Hali ka rito! Matapos kitang binabayaran tatakas ka? Isa kang ha-"

"Hoy kalbo! Sinong kausap mo?" Lumapit ako sa babae at kinuha siya mula kay Ariea tsaka iniharap sa lalaking kalbo na mukhang lasing dahil sa kaniyang dinadalang alak. Nakita ko ang pagtataka sa babae at may mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisnge.

"Wipe your tears." utos ko pa sa kaniya. Agad naman siya sumunod. Tumango ako at bumaling ulit sa kalbo.

"At sino ka naman? Hoy babae ibigay mo sa'kin 'yan o kundi." ngising sabi niya sabay sihit sa kaniyang sigarilyo. May lumapit na anim na lalaki na naglalakihang mga katawan at pinapalibotan kami.

"Ibigay mo sa akin ngayon din ang babae na 'yan pagbilang ko ng tatlo. Isa!" Dagdag niya pa.

"Ha! Kung ayaw ko? Harapin mo muna kami." Taas noo kung sabi ngunit kinakabahan din ako. Aba ako talaga ang dahilan pag mayroong hindi mabuting mangyayari.

"Dalawa!" Na inis pa siya lalo.

"Calli nababaliw ka na ba?" Kunot-noong tanong ni Lars.

"Please guys tulungan natin siya." pagmamakaawang sabi ko at tinignan si Ariea na nagdadalawang-isip din.

"Tatlo! Boys alam niyo na ang gagawin." Ngising sabi ng kalbo sabay inok ng alam. Palapit na ang anim na lalaki sa amin kaya mahigpit kong hinawakan ang braso ng kawawang babae.

"Just do the fist battle guys. Control your ability. Calli explain to me later." maawtoridad na sabi ni Ariea at naghanda na sa sarili. Napatango ako. Sorry talaga, Ariea. Nakita ko ang ilan kung kasamahan na nakipaglaban na.

"Hey, just stay on my back." kalmadong sabi ko sa babae at tumango naman siya. Ayaw ko ipakita sa kaniya na mahina ako. Hinarap ko ang nakangising mala-manyak ang anyo ng lalaki. Bigla na lamang siya  tumakbo papunta sa akin sabay ko naman kinuha ang wand at itinututok sa kaniya.

"Slepan." Isang segundo bumagsak na lamang ang katawan niya. Napangiti ako nang makita ko natulog ang lalaki. Sa ganitong paraan baka mapapadali lamang ang labanan nito at wala pang masaktan.

"Calli sabing fist battle lang!" sigaw sa akin ni Lars. Oh doom! Ang bobita ko talaga! Teka, oras na pala. Biglang may lumabas na abo mula sa aking mukha gaya rin nila Ariea at Nixie. Napahinto naman ang mga kalaban dahil sa nangyari. Ang mga taong nakasaksi ay nakatulala rin.

"Si Ariea Demonique!" May sumigaw na lamang kung saan at bigla na lamang nagkagulo ang mga tao. Agad ko hinawakan ang babae na ngayo'y nagulat na sa pagmumukha ko. Ngumiti ako sa kaniya tsaka niyakap sandali.

"I miss you," bulong ko pa sa kaniya.

"What should we do?" Rinig ko pang kinabahang tanong ni Nixie. Nagulat na lamang ako ng bumagsak na si Bliant sa sahig.

"Guys may kalaban pa tayo!" Paalala pa ni Lars sabay suntok sa kaaway. Mukhang nakalimutan ko sila sandali pero kung isipin natin. Ang tatapang nila ah pagkatapos malaman na nandito si Ariea Demonique. As if mananalo sila tch!

Nakita ko na nakapikit si Ariea at bigla na lamang dumaan ang malakas na hangin. Nahirapan akong dumilat ng maayos dahil sa malakas na hangin na nagdadala rin ng abo ngunit nakita ko pa rin ang kanilang ginagawa. Hinawakan ni Lars ang lupa at bigla niya lamang itong itinaas sabay naman sa pagtaas ng mga bato bilang barrier namin. Kinuha niya agad si Bliant at lumapit sa amin. Dumilat na si Ariea at meron ng isang malaking hole na gawa sa hangin ang nasa harapan ngayon.

"You can do your own teleportation right?" Tanong niya sabay tingin ni Nixie at Lars. Sabay naman silang tumango.

"Lets meet there." Nakita ko na lamang na dahan-dahan kinain si Lars at Bliant sa lupa. Nakita ko rin si Nixie na may binubuo muna siyang tubig mula sa lupa at bigla na lamang pumasok d'un.

"Remember to balance well. The wind here is quite strong kaya once makalabas na tayo sa iba-"

"This is the AMO hunters. I summon you to surrender now, Ariea Demonique." Shit nandito na ang mga AMO. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kabila dahil sa barrier na ginawa ni Lars. Nagulat na lamang ako dahil sa pagsunod-sunod ng mga paputok mula sa baril. Parang gusto nilang guhuin ang barrier. Napatingala ako dahil may narinig ako mula sa kalangitan at tama nga.

Nakita ko ang pagwaygayway sa kamay ni Ariea sabay naman paghampas ng malakas na hangin kaya dumaan ito sa ibang direksyon.

"Go!" sigaw ni Ariea at tinulak kami sa loob ng hole. Sunod naman ang nakakabinging pagsabog mula sa granada. Sandali, ramdam ko ang aking pagbagsak sa lupa. Sabay naman ang panghihina sa aking katawan pero agad ko pinalibot ang aking panangin. Nakita ko siya nakadapa rin malapit sa akin. Bigla na lamang umagos ang aking luha. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pinisil siya. Sa daming mapabagsakan bakit dito pa sa mayroong mga bato? Duguan ang kaniyang ulo at wala siyang malay. May kinuha ako mula sa aking bag at ibinuhos ko ang likido sa kaniyang ulo. Tuloy akong napaiyak dahil alam ko saglit lamang ang potion na 'to na gumaling siya.

"Bliant!" sigaw ko pa at nanginginig na rin. Kailangan ko siya. Kailangan narito na siya. Kailangan ng kapatid ko ang presensya niya.

-----------------------

Like×Comment

PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon