Chapter 13: The Legendary

17 16 0
                                    

Chapter 13: The Legendary

Ariea P.O.V

"Ariea stronger!" she shouted me with those flaming eyes. I tried it harder. I feel my sweats running through my whole face. I grinned and hoping I can make it but suddenly I just lose my strength. I fell in the ground while catching my breath.

"Is that what you got? Pathetic!" I close my eyes and pretend I didn't heard anything. My mother cursing me so much.  Anytime my tears will fall if I can't hold it anymore.

"Are you listening to me, Ariea?" she asked me grumpily.

"Yes." Dumilat ako at nabigla ng hinawakan niya ang aking parehong balikat. Tinignan niya ako ng seryoso pero ramdam ko rin ang sinceridad.

"I'm sorry kung galit ako sa 'yo, Ariea. Gusto ko lamang na maging mas malakas ka pa. Mas magaling kaysa sa akin. Sanayin mo mabuti ang iyong kapangyarihan dahil wala ako palagi sa iyong tabi. Aabot ang panahon na gagamitin mo ng tama at mabuti ang iyong kapangyarihan at para maprotektahan ka." ngiting sabi niya. Dumaloy ang mga luhang kanina pa namumuo sa aking mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'll do it better next time, Mother."

Nakita ko sila na lumapit na sa tinatayuan ko. Ngumiti ako at tinignan sila isa't-isa.

"I gave you yesterday a long day to rest and ordered Calli to cook many dishes so don't let me hear na napapagod agad kayo." Sabay sila tumango. Hindi ko nakita ngayon si Bliant dahil nasa loob lamang siya sa bahay. Gumawa ng mga antidote.

"Okay, magsimula na tayo." Pumunta sila sa iba't ibang lugar malayo sa isa't isa. Lumapit si Calli at Medea.
Tinignan ko sila ng what-look. Napangiti muna si Calli.

"Remember that night."

"What night?" takang tanong ko.

"I can't practice, ate Ariea. I lost my wand and all my potions." biglang wika ni Medea. Napatingin muna ako ni Calli dahil 'yun lang pala

"Hindi ba kayo makagawa ng bago?" tanong ko.

"Hindi. Gagana lamang ang wand kapag galing ito ng mga ancestors namin o di kaya..." nagdadalawang sabi ni Calli at tumingin kay Medea.

"Di kaya?"

"Gumawa ng agreement ang dalawang bruha para mabigay ang wand sa taong ibibigay niya sa halip ay buhay ang kapalit. Mas epektibo at mabisa." Nagkatinginan ang dalawa. Gago anong klaseng agreement 'yan?

"Pero maaari naman siya gumamit sa wand ko kaso hindi gaano gumana ang ibang spells." dagdag niya pa na may ngiti na sa labi.

"Sige, ipahiram mo na lamang sa kapatid mo at turuan mo rin siya sa mga potions." wika ko at tinignan si Medea na nakangiti sa akin.

"Aye aye ma'am." Napatawa ako sabay naman pag-alis sa dalawang bruha. Napatingin ako nila Nixie at Lars na seryosong nagsasanay. Base sa aking nakikita ang gagaling na nila. Nakuha ang aking atensyon ni Rai na nakatingin sa akin. Seryoso ito at sa isang iglap sabay ang mabilisang kislap ng kidlat nasa harap na siya mismo sa tinatayuan ko. Napatingin ako sa likod na mangha at gulat din nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.

PhenomenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon